/19/ Ester's Signus: Dos & Tres

22K 921 76
                                    

Chapter 19:
ESTER'S SIGNUS: DOS & TRES


- When Ester was 3 years old -

The 3-year old girl was busy playing with her pet. It was a mystical bird and her only playmate aside from her brother.

"Fly, Lexy. Fly!" Ester happily said.

Pinipilit niyang paliparin ang ibong may iba't ibang kulay. Lumipad naman ito nang pataas at pababa at pilit inaabot ni Ester habang nasa himpapawid ito. Tuwang-tuwang si Ester at maririnig ang mahinang pagtawa nito.

Hanggang sa isang Three-Eyed Hawk ang biglang kumuha sa lumilipad na mystical bird. Walang magawa ang mystical bird dahil napakalaki ng Three-Eyed Hawk na dumagit dito, lalo pa at nakatusok ang mga kuko nito sa katawan ng mystical bird.

Kaagad na tumakbo si Ester papunta kay Egar. "Papa! Kinuha si Lexy ng masamang ibong 'yon," utal-utal na sumbong nito. Agad namang lumabas si Egar sa kanilang bahay at nag-summon ng pana. Pinana niya ang hawk at nasapul ito sa ulo. Bumulusok ito sa lupa kasabay ng mystical bird.

Tinungo ito ni Ester para kunin ang kalaro niya ngunit patay na ito. Nababalutan na ng dugo ang dati nitong makulay na balahibo.

Umiyak nang malakas si Ester. "Paano ako maglalaro nito kung wala ka? Lexy, 'wag mo 'ko iwan," palakas na palakas na hikbi niya.

"Kyaaaaaaahhhhh!" sigaw ng batang babae kasabay ng pagsabog ng kung anong enerhiya sa katawan nito.

Sa isang iglap, parang may kung anong liwanag ang lumabas sa katawan ng mystical bird at pumasok ito sa dibdib ni Ester.

Makalipas ang ilang segundo ay may lumabas mula sa dibdib ni Ester na berdeng liwanag at naging mystical bird ito. Kaparehas na kaparehas ng mystical bird na kalaro ni Ester. "Lexy!"

Tatlong segundo pa ay nag-ibang anyo ito bilang isang babaeng kamukhang-kamukha ni Ester ngunit kulay berde ang mga mata nito.

"Master, give me a name, and I shall follow you," biglang pagsalita ng batang babae na kamukha ni Ester.

"Huh? Name? 'Di ba ikaw si Lexy?" confused na tanong ni Ester.

"Then Lexy will be my name. I am Lexy, your second linked-self, Master," magalang na sabi nito.

"Master!!!" Isang sigaw mula sa kawalan ang gumulat kay Ester. Mula ito sa isang puting liwanag na lumabas mula sa noo niya at nag-anyong babaeng kamukha niya rin ngunit puti naman ang kulay ng mga mata nito.

"Huh?" Naguguluhang sabi ni Ester na kumakamot pa sa likod ng kaniyang ulo. Paanong nagkaroon siya ng kamukha at hindi lang isa kundi dalawa?

Pati si Egar na nanonood lang sa mga nangyayari ay naguguluhan na rin.

"Master, I am your first linked-self, and I don't have a name yet. Please give me a name and I shall obey you forever." Lumuhod ito sa kanyang harapan.

"You are my first what?" naguguluhang pag-uutal ni Ester.

"First linked-self, Master."

"And I am your second linked-self, Master," saad naman ng kamukha rin ni Ester na may berdeng mga mata.

"Okay then. I'll call my first...you, I'll call you UNO," turo niya sa kamukha niyang may puting mga mata.

"And you, I'll change your name to DOS, okay?" sabi niya sa may berdeng mga mata.

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Where stories live. Discover now