Chapter 69: I Am Ester Silverharth

12.1K 524 79
                                    

Heaven's POV

"Ma naman! Bakit ba ayaw n'yo kaming paniwalaan!" bulyaw ko kay mama kasabay ng pagkadismaya. I did not mean to shout pero hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Halos lahat ng emosyon ay nadama ko na yata sa araw na ito. Ang takot dala ng nagbantang kamatayan nang hinabol ako ng mga alagad ng palasyo. Ang lungkot at guilt dahil sa pagkamatay ni Reen. Ang saya, pag-asa at pakiramadam na ligtas ka, dahil ang mga kaibigan ko mismo ang nakahanap at nagligtas sa akin kanina sa gubat. Akala ko kanina ay katapusan ko na. Ngayon naman ay pagtatampo at pagkadismaya dahil ang mga magulang namin mismo ang  ayaw maniwala sa sinasabi namin. Ayaw nila kaming paniwalaan kahit pa detalyado naming kinuwento at pinaliwanag sa kanila ang totoong nangyayari at ang mga balak ni Rathro.

"Anak," malumanay na paglapit sa'kin ni mama. "Mahirap kasing paniwalaan ang sinasabi niyo."

Inalis ko ang kamay niyang nakalapat sa balikat ko at bahagyang dumistansya. "So akala niyo ba nagbibiro lang kami? Akala n'yo ba biro lang ang pagkamatay ni Reen! Akala n'yo ba..."

"Heaven! That's enough!" pagsuway ni papa. Napakuyom ako ng kamay. Hindi dahil sa gusto kong manlaban ngunit dahil sa inis sa katotohanang hindi ako kayang paniwalaan ng mga magulang ko.

Nagpatawag kami ng pagpupulong dahil gusto namin ipaalam sa kanila ang mga nadiskubre namin. Lahat ng mga magulang namin ay narito dahil bilang mga hari at reyna ay sila ang dapat na maunang makaalam ng bagay na ito. Nakasalalay dito ang kapakanan ng buong Archania.  Hindi ko hahayaang mapunta sa wala ang sakripisyo ni Reen. At lalong hindi ko hahayaang mawalan ng katarungan ang pagkamatay ni Lucas! "Arghhhhh!" napasuntok na lang ako sa mesang nasa harap ko dahil sa inis. Hindi ko na kayang pigilan pa ang mga luha ko. Ang poot sa aking puso ay naging tubig na lumabas mula sa mga mata ko. I shifted my gaze to them bago ko tinungo ang pinto.

"Magwo-walk-out ka rin ba tulad ni Finnix?" Hindi ko alam kung kanino nagmula ang sarkastikong tanong na ito but yes.
Kung nagawa ni Finnix na magwalk-out kanina dahil sa inis, kaya ko rin. Finnix was the one who explained everything to them but no one was even convinced . Finnix tried explaining again many times. He tried to persuade them but no one believed. As hot-headed as he is, he walked-out to cool himself off. Pero iba ako...hindi ko planong magpahangin lang sa labas. Pupunta ako sa Archania Palace para ipaghiganti si Lucas, si Reen at lahat ng mga inosenteng namatay dahil sa kasamaan ni Rathro. I don't care if he is diefied. I will seek justice no matter what.

Pinihit ko ang doorknob ng pinto at binuksan ito. My heart is filled with raging emotions pero hindi ko alam kung ba't parang bigla na lang ito napawi.  Nang makita ko ang nasa kabilang panig ng pinto ay tila may kung anong bagay ang namuo sa dibdib ko. Lalo pa akong napahagulgol dahil namiss ko ang taong nasa harap ko.

"Ester..." hindi ko na napigilan ang sarili kong sunggaban siya ng yakap. "Ester...."

Ester's POV

Napapalibutan ng luha ang mga mata ni Heaven nang makita ko siya pagbukas ng pinto. It was her feelings that Sais felt which made her alarm me. I felt what she was feeling. She had a strong urge to kill someone. That was a feeling familiar to me. The feeling of wanting to get revenge with violence. I know Heaven as a happy-go-lucky lady and I don't want that to change. She has a pure heart at ayokong lamunin ito ng galit. Kaya kinontrol ko ang emosyon niya kanina sa tulong ni Sais. I removed her hatred, her pain para pagaanin ang loob niya.

Sa isang kurap ay naramdaman ko na lang ang pagyakap niya sa akin. "Ester!" she said while sobbing on my right shoulder. Tama 'yan. Ilabas mo ang nararamdaman mo. Cry! Iiyak mo ang mga nararamdaman mo at huwag mo itong hayaang maipon sa loob mo. Crying helps most of the times.

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon