/39/ Lucas' Angel

19.9K 842 57
                                    

Chapter 39:
LUCAS' ANGEL
*

************

Ester's POV

"I know its you, Ester."

Dugdug * Dugdug* Dugdug *

Lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko sa biglang pagsalita ni Finnix.

He is awake? All these times gising siya?

Pero pinakiramdaman ko siya kanina at hindi ako magkakakamaling tulog siya. Kung alam ko lang na gising siya, bakit ko pa ginawa ang paghal---- Arrgh!

What I did was crazy! Bakit ko ba naisip na gawin 'yon?

Pansin kong tumahimik yata si Finnix. I checked his vitals once again.  So tama nga ako. He is asleep, and he is just sleep-talking. Buti naman. Tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan.

Dahan-dahan kong inangat ang kamay niyang nakayakap sa akin. Ingat na ingat akong hindi makagawa ng ingay at magising ang lalaking ito. Tiyak magugulat siya kung bakit ako nandito at lilikha pa ito ng misunderstanding sa pagitan naming dalawa.

Nang maialis ko na ang braso niya ay kaagad akong bumangon at lumabas. Saktong pagkalabas ko ng tent ay nakarinig ako ng mahinang pagdaing sa katabing tent. The tent where Lucas and Marko are both sleeping. And daing na iyon! Mula iyon kay Lucas!

Dali-dali akong pumasok sa loob. Nadatnan kong napakahimbing ng tulog ni Marko. But, what Lucas feels is the opposite. Namimilipit siya sa sakit. Parang binabangungot siya na hindi ko alam. One thing is for sure: it because of his injuries why he is sufffering like this. And I was the reason of his pain. I am responsible for this!

Kung hindi dahil sa akin ay parehas lang sila ng natamong injury ni Finnix. Sana ay hindi malala ang sitwasyon niya. Muntik na niyang ikamatay ang ginawa niya. Hindi ko lubos maisip na ililigtas niya ako sa sitwasyong iyon. Out of all persons. Si Lucas pa.

Nasaktan siya nang dahil sa akin. If I can do a thing to ease his pain, gagawin ko. I don't want to feel this guilt that I am feeling right now.

"Tres, mask-up." I suddenly felt Tres' signus in my body. Tila nag-isa kaming dalawa ni Tres. Now I can freely use her signus.

But, I'm still doubting... Paano kung bigla silang magising at makita ako sa ganitong anyo? Paano kung mahuli nila ako? Tiyak katapusan na ng pagpapanggap ko.

Pero kailangan ko pa ring gawin ito.

"Nine Petalled Healing Lotus." I chanted.

Nagsimulang mag-init ang mga mata ko. This is the sign that I am using Tres' signus now. I bet my eye color has changed into gold. My hair color also changed into yellow at nagliliwanag ito.

Both my palm is facing above. May lumabas na liwanang mula rito hanggang sa unti-unti itong nag-anyong bulaklak na may siyam na talulot. The healing lotus is glowing very bright and majestic. Dahil dito, nabalot ng dilaw na liwanag ang buong tent.


I slowly moved my palms above. The lotus which is floating on my palm hovered at habang papataas ay Lalo itong lumalaki. The healing lotus is now above us. I gracefully moved my palms kasabay ng pagkawatak-watak ng petals ng lotus. The petals are now moving around waiting for my command.

"Heal my friends!" I ordered to the petals. Tila may buhay ang bawat talulot na lumipad papalabas ng tent at pumunta sa mga kaibigan ko. Three petals remained inside the tent. I commanded one of the petals to heal Marko and the other two petals to heal Lucas. Pinagmasdan ko kung paano pumasok ang petals sa noo nina Marko at Lucas. Their body glowed within a second, at nang mawala ang liwanag ay nawala na rin ang bahid ng sugat at galos sa kanilang katawan.

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Where stories live. Discover now