/12/ Joining A Guild

23K 1K 44
                                    

Chapter 12:
JOINING A GUILD

Ester's POV

"No, don't believe her. She is something!" nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Crystal sa likod ko. Kasama niya ang lalaking may gray hair. Tapos na pala sila mag-order. Nasa likod nilang dalawa ang mga humanoid plants - mga halamang may anyong tao. Dala nila ang mga inorder naming pagkain.

Now that our foods are here, and Crystal is here too, nabawasan ang pagkailang namin sa isa't isa.

"By the way, I am Ten," the gray-haired guy said with a smile.

"I'm Ester," tipid kong sagot, at nginitian ko rin siya.

Nagsimula na kaming kumain. Pansin kong nakatingin sila sa kinakain ko. Yeah, I know I look weird right now dahil sa kinakain ko, but hindi ko masisisi ang sarili ko. I need to have a lot of energy because of my signus and by eating vegetables is the only way I can get it. Hindi ko nalang sila pinansin.

Nasa tabi ko kumakain si Crystal at wala sa sarili ko siyang tinanong. "Bakit late kayo kanina?"

"PINGAPOWNRT KAWMI SHA HEADMSHTRESH OfiSh." Ni isa ay wala akong naintindihan sa kaniyang sinabi dahil punong-puno ng pagkain ang kaniyang bibig. Naiwang nakakunot ang noo ko. Napansin niya siguro ito kaya dali-dali niyang nilunok ang kinakain niya at nagsimulang magsalita ulit. "Pinapunta kami ni headmistress sa HO. We discussed about the upcoming GUILD CLASH event that will happen next month."

"Ahh, so that's why," tumatango kong sabi.

"Speaking of GUILD CLASH, have you decided what guild you are joining to?"

"What do you mean 'joining a guild'?"

"Ahhh, mukhang hindi mo pa alam." Inayos ni Crystal ang kaniyang sarili at humarap sa'kin. "May limang guilds dito sa Signus Academy: Rage, Brain, Rose, Crowded and Holy guild. Each student are obligated to join one. You can only withdraw your kun through the guild master's consent. So that means, kapag wala kang guild na sinalihan, walang magbibigay ng consent sa'yo. Hindi ka makakapag-withdraw at mamumulubi ka. You will not survive in this academy even in a month. If you are interested, you can join ours. Our guild is called Brain Guild, the smartest and trickiest guild of all. Kasama ko sa Brain Guild si Ten. Kami ang namamahala sa mga data ng mga mag-aaral, mga plano ng academy at naghahanda ng necessary data na kakailanganin sa mga student's mission. But, we don't have the access to all data especially the private ones; only the ones that can be publicly used."

"I don't think I can fit in your guild's standards. Can you enlighten me about the other guilds?"

"Except from Brain, there is the Rage Guild, ang pinakamalakas na guild dito sa akademya. Member nito sina Finnix at Lucas. Wala pang nakakatalo sa kanila kapag nagkakaroon ng Guild Clash. Halos karamihan ng estudyante ay gustong makasali sa guild nila ngunit hindi sila basta-basta namimili ng mga ka-miyembro. Masusi nilang pinipili ang mga ito kaya kaunti lamang sila sa guild. But, lahat sila malalakas. Lahat ng pinipili nila ay magagaling kaya ang Rage Guild ang nangangasiwa sa protection ng mga estudyante. They are also the councilor of Signus Academy."

"Next ay ang Rose Guild, the guild for the girls. Lahat ng nasa guild nila ay puro babae at kilala sila bilang bullies ng school," lumingon sa amin si Hydra nang ni-emphasize ni Crystal ang huling mga salitang binanggit niya. Nabasa ko kaagad ang nasa isip niya base lamang sa kaniyang ekspresyon; She is a member of Rose Guild.

"Crowded Guild, ang guild na may pinakamaraming miyembro. Crowded nga, 'di ba? Lahat ng hindi matatanggap sa ibang guilds ay sa Crowded ang punta kaya marami sila."

"Lastly ay ang Holy Guild, the guild for all healers. Lahat ng mga healers ay required na sumali dito. Every time na may missions, pumipili ng isang miyembro mula sa guild na ito na magiging healer ng grupong binigyan ng mission. During the Guild Clash naman, hindi sumasali ang Holy guild as a guild kundi ang bawat miyembro ay kakampi sa kahit na saang guild na gusto nilang salihan during the competition," tuloy-tuloy niyang sabi. Ina-absorb ko naman lahat ng impormasyong sinabi niya.

"Ah...before I forgot, may guild na malapit nang madissolve or mawala. Sa totoo lang, there is a total of 6 guilds. There is this guild called VIPER GUILD. Sa pagkakaalam ko, sila ang pinakamalakas na guild dati. Kaso nagloko si Master Magnus, ang guild master ng Viper. Wala ni isa ang nakakaalam ng rason kung bakit naging pabaya si Master Magnus. Wala itong ginawa kundi uminom at gawing basura ang kaniyang buhay. Pinagtatabuyan niya lahat ng mga miyembro ng guild hanggang sa magsilipat ang mga ito sa ibang guild. Tanging dalawang miyembro ang natira sa Viper. Hindi na rin siya tumatanggap ng new members at sinasadya niyang pahirapan ang mga gustong sumali sa guild niya. No one has ever passed his entrance test. Because of the poor reputation ng Viper, ang gawaing iniatas sa kanila ay magpakain ng mga beasts na alaga ng akademya. Kapag grumaduate ang dalawang natitirang members, which will happen this year, ay mawawala na rin ang Viper Guild," she explained.

'Mr. Magnus?' Napaka-pamilyar ng pangalan. Kumabog ang dibdib ko kanina nang marinig ko ang pangalan niya. Para bang narinig ko na siya dati. Hindi ko lang matandaan kung saan o kailan.

Mr. Magnus. Saying this name feels like it's a part of my past.

No.

I am certain based on this feeling. Mr. Magnus was a part of my life.

That's why, "I have decided..," napatingin silang lahat sa akin. "I'll join the VIPER Guild."

- End of Chapter 12 -
*************

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Where stories live. Discover now