/23/ The Great Pretender

22.4K 973 185
                                    

Chapter 23:
THE GREAT PRETENDER
*************

Ester's POV

"F*ck Ester! Pinag-alala mo ak---kami!" Isang lalaking pula ang buhok ang bigla na lamang sumulpot mula sa kawalan.

He is no other than FINNIX!. Ang pinaka-ayaw makita ng mga mata ko.

As usual, nagsasalpukan na naman ang mga kilay niya. Hindi ko pa yata nakitang nakatuwid ito o nakakurba dulot ng kasiyahan.

Mas dumikit pa ang mga kilay nito nang makita niya ang hindi kaaya-ayang sitwasyon ko. Tila nagtatanong kung anong nangyari.

Pinasadahan ko naman ng tingin ang sarili ko. Gutay-gutay at maduming damit. Medyo magulong buhok.

"I fought some beasts," maikli kong sabi. It was to answer his question in his mind.

"No one asked," sabi niya saka tumalikod. Nang-init na naman ng loob ko. Napakabastos talaga ng ugali. Nakakapanggigil.

Bagama't iyon ang sinabi niya, batid ko pa rin na hindi sapat ang sinabi ko upang ipaliwanag ang nangyari. At hindi rin kapani-paniwala dahil wala akong galos na tinamo.

Ang tingin ng lahat sa isang D-rank ay mahina. Hindi normal ang walang makuhang galos o sugat kapag nakikipaglaban ang isang mahinang tulad ko.

Pasimple kong kinuha ang dagger sa aking balikat at hiniwa ang kanan kong binti. I don't have to worry about the pain dahil nandyan naman si Sais to ease the pain, ganundin si Tres to heal this quickly.

Napansin niya sigurong hindi pa ako tumatayo mula sa pagkakaupo sa ugat kaya lumingon siyang muli at tinawag ako, "Come on!" Tumalikod siya ulit at naglakad.

Tumayo ako at nagkunwaring sumakit ang sugat sa binti ko. "Ah!" Hinawakan ko ang sugat ko at napaupo muli. Wala akong nararamdamang sakit o hapdi ng sugat pero kailangan kong magpanggap. Kailangan kong itago na malakas ako.

They knew me as a D-rank student, so I must also pretend that I am weak.

"Sh*t!" he cursed as he saw the incision on my right leg. "What happened to you?" pasinghal niyang sabi at mabilis na lumapit sa akin.

Tiningnan niya ang sugat ko at napangiwi dahil medyo malala ito. Sinadya ko kasi.

Tiningnan niya ang damit ko. Tiningnan niya ulit ang sugat ko. Hanggang sa magpabalik-balik ang kaniyang tingin sa damit ko at sa sugat ko. I felt awkward. This is so awkward. Naramdaman ko na lang na uminit at namula ang pisngi ko.

"Singko, this is weird. Tell me what he is planning," utos ko kay Singko sa isip ko. I just need to speak in my mind to communicate with them.

"He is planning to apply first aid to you. Tinitingnan niya ang damit mo upang gawing pantapal sa sugat mo. He is not a pervert. Don't have dirty thoughts, Ester," nang-aasar niyang sabi dahilan upang uminit ang pisngi ko.

Sh*t! I forgot she can read my mind, too.

Narinig kong tumawa ang iba pang mga links. Kaya napilitan akong tanggalin ang access nila sa senses ko. Hindi na nila makikita ang mga nakikita ko at gano'n din sa iba ko pang mga senses.

"I don't have a choice but to do this," sabi ni Finnix.

Pinunit niya ang suot niyang pulang damit at halos nangalahati nalang. Kaagad siyang lumuhod hanggang sa magkalebel na kami at ginawa niyang bandage ang tela ng kaniyang damit.

Nakayuko ang ulo niya kaya ang buhok niya at top-view ng mukha niya ang tangi kong nakikita.

Kaya pala maraming tumitili sa lalaking ito. He really is handsome. Absolutely handsome.

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]On viuen les histories. Descobreix ara