/50/ The Shadow's Identity

15.3K 606 95
                                    

Chapter 50:

THE SHADOW'S IDENTITY

*************

Ester's POV

The blade of Masked Mistress' sword shone as she leaped very high. Sinubukan kong tumayo at iligtas si Lucas pero natumba lang ako muli.

He saw what I did, and he just smiled. Ipinikit na lang ni Lucas and kaniyang mga mata at ngumiti.


Slash!

"Nooooooooo!" halos pabulong ko nang sigaw dahil na rin sa panunuyo ng lalamunan ko.

Whooosh!


Isang anino na sinbilis ng hangin ang dumaan sa harap ko. Nilipad nito ang buhok ko pati na ang mga tuyong dahon sa paligid dahil sa sobrang bilis nito.



Masked Mistress' sword stopped mid-air. A loud clanging sound was heard.
Isang malaking sandata ang sumalag sa espadang hawak niya. Hawak ito ng aninong kanina'y dumaan sa harap ko.

Unti-unting naging anyong tao ang anino. From head to toe, it revealed a masculine physique of a man.

Nagulat ako nang makilala ko ang taong iyon.

Siya si...

Mr. Magnus?

Sinubukan kong titigan siya nang mabuti upang masigurong hindi lang ako namamalikmata.

Hindi nga nagkakamali ang mga mata ko. Side view lang ang nakikita ko pero nakikilala ko ang detalyadong mukha niya. He is indeed Mr. Magnus.

Kaagad kong napansin ang sariwang sugat sa braso niyang may hawak ng sandata. Nanlaki ang mga mata ko. Isang tanong ang sumagi sa isip ko.

No way!


Papaanong...

Kilalang-kilala ko ang mga sugat na iyon.   Sugat na may bahid ng aura ng talim mula sa dagger ko. Tanging ang dagger ko lamang ang makakagawa ng ganung klaseng sugat.

Pero paanong nagkaroon siya ng sugat na gawa ng dagger ko?




Parang awtomatikong nanghalungkat ang isip ko ng mga alaalang nakaimbak sa aking utak. Naalala ko na lang ang nangyari bago pa man ako makuha ng Cross Gang.

Ang aninong sumusunod sa amin...


Ang aninong hinabol ko...


Ang aninong nasugatan ko...

Si Mr. Magnus! Siya ang aninong iyon!

Pero bakit niya kami sinusundan? Bakit niya AKO sinusundan? Tama ba ang kutob ko? Totoo bang siya ang Uncle ko?

Naguguluhan ako!


Napakaraming katanungan ang nasa isip ko. Mga katanungang hindi ko alam kung ano ang kasagutan.

Naggigitgitan ang pwersa ni Mr. Magnus at Masked Mistress. Ramdam ko ang bawat pagsabog ng naglalakasang enerhiya nila.

Matapos salagin ni Mr. Magnus ang espadang kikitil sana sa buhay ni Lucas, tinabig niya ito nang pagkalakas-lakas hanggang sa ito'y tumalipon. Masked Mistress leaped backward dahil nawala sa mga kamay niya ang kaniyang sandata.

Naramdaman ko ang paglakas ng aura ni Mr. Magnus. Kasabay nito ang pagsilabasan ng mga itim na anino mula sa katawan niya. Naging iba't-ibang nilalang ang mga aninong iyon. Pamilyar sa akin ang tatlo sa mga ito. The man with a scythe, the girl with a halo, and the assasin. Pero ang dalawa ay unang beses pa lang sa mga mata ko. A lady elf holding an arrow and a huge lion.

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Where stories live. Discover now