/28/ At Blueblood's HQ

22.1K 857 52
                                    

Chapter 28:
AT BLUEBLOOD's HQ
*************

Ester's POV

Matapos ang halos sampung minutong paglalakad ay narating na rin namin ang Bluebloods HQ.

Kaagad kaming pumasok sa loob nang hindi na nagdoorbell. Sumalubong sa amin ang mga miyembro ng Bluebloods na nakaupo't nakapalibot sa isang center table. Tahimik silang lahat, ni isa'y walang nagsasalita. Mukhang may seryosong pag-uusapan ang Bluebloods ngayon.

Kung gayong may seryoso silang pag-uusapan, bakit pa nila kailangang papuntahin ako dito?
I'm not even a part of their group. I am no blueblood.

"Buti na lang at nandito na kayo! Jusmiyo marimar! Mapapanis 'ata ang laway ko sa mga taong ito. An'tatahimik!" nagrereklamong bungad ni Crystla at sinunggaban niya ako ng yakap.

"Eh ako? Hindi mo ba ako yayakapin? Hindi ka ba natutuwang nandito na ako?" pabirong tanong ni Ten.

"Halika! Yakapin din kita. Ipapayakap ko sa'yo ang kamao ko," tugon ni Crystal.

"Sus! Kung makadeny ka, Crystal. Parang hindi ka nagkagusto kay Ten nang sampung taon, ah!" pang-aasar din ni Heaven.

"Dati 'yun. Ngayon..," hindi natapos na banggit ni Crystal dahil sa biglang pagsingit ni Ten.

"Ngayon Crystal, mayroon pa rin ba?" lumapit si Ten kay Crystal.

Ano bang mayroon sa dalawang ito? May nangyayari ba sa kanilang dalawa?

"E---ewan k--ko sa'yo, Ten. Umupo ka na nga lang para makapagsimula na tayo!" nauutal na sabi ni Crystal. Pansin ko ang pamumula ng mga pisngi niya. Mukhang nagkakagustuhan nga ang dal'wang 'to. But that doesn't matter. Things like this shouldn't matter to me.

"Buti at naisip mo 'yan, Crystal. Mahiya nga kayo kay Ester na nasa harap n'yo, oh! Nakikita niya harap-harapan ang kalandian ninyo!" sabi ng laging tahimik na si Hydra.

Umupo muli si Crystal sa kaninang kinauupuan niya at gano'n din si Ten na umupo katabi niya. Ngunit hindi ako umupo dahil napapaisip pa rin ako bakit kailangan kong dumalo sa pagpupulong nila.

Nabaling ang tingin ko kay Finnix na tinuturo gamit ang mata niya ang upuang nasa tabi niya, senyales na gusto niya akong umupo katabi siya. Ngunit nang makita ko kung sino ang isa ko pang magiging katabi ay hindi ko maiwasang mag-isip.

It is Lucas. And he is smiling at me. Hindi ko alam ang rason bakit siya ngumingiti. Is it possible na sinabi niya sa kanila ang nalalaman niya tungkol sa akin?

Paano kung sinabi niya kung sino ang pagkatao ko? Papatayin rin ba nila ako? Kailangan kong maging alerto gayong napapalibutan nila ako.

Dahan-dahan kong tinungo ang upuang tinuro ni Finnix habang pinapakiramdaman ang paligid. Baka may isa sa kanilang bigla na lamang sumugod sa akin.

Kung tama ang iniisip kong papatayin nila ako, hindi ko maiiwasang makapatay ng pitong katao si araw na ito, sa mismong oras na ito.

Ngunit wala. Walang nag-attempt na sugurin ako. Baka naghahanap lang talaga sila ng tiyempo. I still need to be alert.

"No, it's okay," tugon ko sa kaninang sinabi ni Hydra. "Pero bakit nga ba ako nandito?" diretso kong tanong.

"Because..," pagsisimula ni Hydra. Heto na. Malalaman ko na kung may alam na sila tungkol sa pagkatao ko. Palihim kong pinadaloy ang signus ko sakaling magkaroon nga ng labanan.

"...we included you in our mission!" biglang singit ni Heaven.

"What the f*ck, Heaven," pagmura ni Hydra.

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon