/16/ Ester's Signus

22.7K 934 70
                                    

Chapter 16:
ESTER'S SIGNUS

Ester's POV

Tinungo ko ang Botany Garden ng academya kung saan siguradong makikita ko si Maestra Fauna. Buong araw raw niyang ginugugol ang kaniyang oras sa pag-aalaga sa kaniyang mga tanim. Kaya nga ginawa niya na ring silid-aralan ang Botanical Garden dahil ayaw niyang mahiwalay dito.

Nakatalikod siya sa diresiyon ko nang makarating ako. "Maestra Fauna!" pagkuha ko sa kaniyang atensiyon. Lumingon naman ito.

Maestra Fauna is half elf. Her appearance can't deny it. She has pointed ears and a slender body. She is also wearing a green dress that camouflages to the magical herbs around us.

"It is the first time na may bumisita sa akin na hindi class hours. How can I help you?" malambing niyang tanong.

Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. "Maestra Fauna, may alam ka po ba tungkol sa Uwu Flower?" diresto kong tanong.

Kumunot ang kaniyang noo. "Uwu Flower? What is that?"

"Isa po itong uri ng halaman o bulaklak. 'Yon nga po wala akong ni isang impormasyon tungkol dito." Hindi ko na sinabi ang dahilan kung bakit ko kailangan ito.

Mahinhing umiiling-iling si Maestra Fauna. "Wala sa kahit saang sulok ng kaalaman ko ang Uwu Flower. Alam ko lahat ng uri ng halaman mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking halamang nabubuhay dito sa Arcania ngunit ngayon ko lamang narinig ang halamang iyan. Maaari ko bang malaman kung para saan mo gagamitin ang halamang tinutukoy mo?"

Mukhang kailangan ko talagang sabihin ang rason. "Isa po itong pagsusulit na ibinigay sa akin ni Mr. Magnus para maging miyembro ako ng Viper Guild."

"Tumatanggap na ng bagong miyembro ang Viper Guild? Ano kaya ang nakain ni Magnus? Pero kung gusto mo talagang mahanap ang hinahanap mo..," pumasok siya sa isang maliit na kubo at makailang segundo ay lumabas din "...heto, ito ang libro ng mga halaman, ipapahiram ko muna sa iyo."

"Salamat po, Maestra," pagpapasalamat ko.

"May isa pa akong suhestiyon. Pumunta ka sa bandang timog kung saan matatagpuan ang Land of Blossom. Isa itong lugar kung saan makikita ang libo-libong uri ng bulaklak at halaman. Uwu Flower ang hinahanap mo kaya sigurado akong isang uri ng bulaklak ang hinahanap mo. Mag-ingat ka lang dahil binabantayan ito ng mga Elvens na tulad ko at hindi ako sigurado kung magiging mabait sila sa'yo," paalala niya.

Nabigyan ako ng pag-asa dahil sa sinabi ni Maestra. Susugal ako. Kailangan kong pumunta sa Land of Blossom. Mayroon na lamang ako dalawang araw para magawa ang pagsusulit na ito. Now or never.

"By the way, hija, ano ba 'yang nakatali sa braso mo? Bakit parang nakita ko na 'yan dati?"

Tiningnan ko ang bagay na nasa braso ko. Ito ang dagger na bigay sa akin ni papa bago siya mawala.

***

Now, I am all set. Handa na lahat ng kakailanganin ko sa paglalakbay papuntang Land of Blossom.

Hindi na ako nagpaalam sa mga dorm mates ko. Sigurado akong mahimbing na natutulog ang mga 'yon at ayaw ko silang istorbohin.

Tinungo ko ang gate ng Signus Academy at inilabas ang gate pass na bigay sa akin ni Mr. Magnus. Ito ang paraan para payagang makalabas ng campus ang isang estudyante.

Nang itinapat ko ang gate pass sa gate, hindi ito nagbukas. Sa halip, isang bilog na liwanag ang nagpakita. Pumasok ako sa liwanag nang walang pag-aalinlangan. Hinigop nito ang katauhan ko at iniluwa ako nito sa labas ng akademya. Humarap akong muli sa gate ng akademya dahil parang nakokonsensya ako na hindi ako nagpaalam sa kanila. Bakit ganito? Bakit parang unti-unti akong naa-attach sa kanila.

'Stop this, Ester! Remember, your mission comes first.'

Binuksan ko ang mapang nakuha ko sa library kahapon. Ituturo nito ang daan papuntang Land of Blossom. Pinasadahan ko ito ng tingin at makalipas ang tatlong minuto ay namemorya ko na lahat ng detalyeng nasa mapa.

Naglakad pa ako ng isang kilometro bago gawin ang isang paraang magpapabilis sa paglalakbay ko: ang gamitin ang aking signus. Tumingin-tingin ako sa paligid upang masigurong walang taong makakakita sa'kin bago pinadaloy ang aking tinatagong signus sa buo kong katawan.

"Dos, mask-up!" Naramdaman ko ang pinakapamilyar na sensasyon sa tuwing ako ay gumagamit ng signus. Parang mayroong daan-daang lubid ang bumibigkis sa aking mga ugat. Unti-unti nitong pinipiga ang mga ugat ko hanggang sa tuluyang nag-merge ang aking mga ugat sa mga lubid na bumigkis dito. Mainit ngunit napakasarap sa pakiramdam.

Dos is my second link. She is my third signus. Dos is my brave linked-self who can shapeshift into any beasts that she defeated as long as she acquired its soul.

Ngayon, ako at si Dos ay nasa iisang katawan na. Her powers are now mine, and I can use it as proficient as how she can use it.

"Black-Winged Archangel Beast, shapeshift!" I chanted. My body started to transform into a beast. My body produced black smoke na bumalot sa buo kong katawan. Two pair of horns sprouted on my forehead. My skin produced many black feathers at may dalawang pares ng pakpak na tumubo sa aking likod.

Hinding-hindi na ako makikilala ng sinuman sa tuwing nag-iibang anyo ako gamit ang kapangyarihan ni Dos. Ang dating maamong mukha ko ay napalitang ng isang nakakatakot na mukha ng isang nilalang. I chose to shape-shift into this form dahil gamit ang bilis ng Black-Winged Archangel ay mabilis rin akong makararating sa Land of Blossom.

I flapped my wings, and it created a huge circle air force. Isang pagaspas lang ang ginawa ko ngunit halos isang kilometro akong umangat mula sa lupa. The speed of this beast never failed me.

***

Mr. Magnus POV

May dalawang araw na lamang siya upang gawin ang pagsusulit na binigay ko. Sana magawa niya.

Sana mapatunayan niyang totoo ang lahat ng hinala ko.


- End of Chapter 16 -
*************

Hiddenthirteen's Note!

Signusians! Unti-unti nang nire-reveal ang signus ni Ester. Try to guess what it is.

Comment it down and don't forget to VOTE!

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon