/26/ Truths and Denials

21.6K 907 63
                                    


Chapter 26:
TRUTHS AND DENIALS
*************

Ester's POV

Nakakatakot ang mga tingin na 'yon. Kinakabahan ako. Baka nakakahalata na siya. Kakailanganin kong patahimikin siya kapag nangyari nga ang kinatatakutan ko, kapag nalaman niya kung sino ang tunay na ako.

O baka sadyang napapraning lang talaga siguro ako. Dala siguro ito ng guilt na nadarama ko.

Biglang pumasok sa isip ko ang dahilan kung bakit ako lumabas ng akademya. Tiningnan ko ang signus ring ko upang malaman ang mga natitirang minutong mayroon ako.

Hell! I only have 10 minutes left! Kailangan ko nang ibigay ang Uwu Flowers kay Mr. Magnus  upang maipasa ang pagsusulit na ito.

Hindi na ako nagdalawang isip pa. Kumaripas kaagad ako ng takbo papunta sa Viper Guild. Hanggang sa nakalimutan ko na namang magpaalam sa Bluebloods. I'll just apologize to them later. Kailangan kong unahin ang bagay na ito. Kailangan ko talagang maipasa ito sa takdang oras.

Excited na rin akong ipakilala ang sarili ko kay UNCLE. Ang tanging tao na nakakaalam ng nakaraan ko. Ang tanging natitirang kapamilya ko. Labis ang ngiti ko habang tinatahak ang daan papuntang viper guild. Palakas nang palakas ang tibok ng puso dala ng sobrang excitement. Makakakilala na rin ako ng taong parte ng nakaraan ko.

Halos maubusan ako ng hininga nang marating ko ang Viper Guild. Hindi na ako kumatok, kaagad kong binuksan ang pinto sapagkat isang minuto na lamang ang natitirang oras bago maubos ang inilaan niyang oras para tapusin ang pagsusulit na ito.

"Mr. Magnus, here's your Uwu Flower!" agad kong sigaw.

Nasa parte ng silid nakaupo si Mr. Magnus kung saan mula leeg hanggang sa mga paa niya lamang ang nakikita ko dahil 'yan lamang ang  nasisinagan ng liwanag na dala ng araw. Hindi ko makita ang kaniyang mukha na nagtatago sa dilim.

"Nana, Jeno, you can now greet your new guildmate," Mr. Magnus said emotionlessly.

"Yes!" sabay na sigaw ng dalawa. Tuwang-tuwa si Jeno at Nana dahil sa pagiging bagong miyembro ko ng guild.

Pero hindi ako natutuwa. 'Yon lang 'yon?

Bakit parang wala lang sa kaniya?

Hindi niya ba alam na ang babaeng kaharap niya ngayon ay pamangkin niya? Akala ko kaya niya pinagawa sa akin ang misyon upang kumpirmahin na ako nga ang pamangkin niya. Hindi pala. Umasa na naman ako.

But still I have to try! I won't know if I won't ask.

"Can't you recognize me, Mr. Magnus?" I asked but I did not hear any answer "Hindi mo ba ako namumukhaan, Mr. Magnus?" Pag-iiba ko ng tanong. Baka hindi niya naintindihan ang kaninang tanong ko at sakaling maintindihan niya ngayon.

"Why would I recognize you? Are you someone I knew before?" He plainly said. Hindi ko pa rin nakikita ang kaniyang mukha kaya hindi ko matukoy ang tunay na ekspresyon niya.

"Uwu Flower!" I indirectly said. Nagtataka naman ang dalawang miyembro na nasa gilid lang nakikinig. Wala silang kaalam-alam sa pinagsasabi ko.

"And what's with that flower?" He ask na parang wala rin siyang alam. This can't be true!
Tanging ang pamilya ko lang ang nakakaalam ng bagay na iyon dahil sa mga bibig ko mismo nanggaling ang pangalan ng bulaklak na 'yon.

"Only my fami--," hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko. Ramdam ko na walang patutunguhan ang usapang ito kapag hindi ko diretsahang sinabi sa kaniya kung sino siya sa buhay ko.

"You are my uncle, and I am your neice, Mr. Magnus. I am Ester, your Star," maikling pagpapaliwanag ko. Napasinghap naman sina Nana at Jeno sa kanilang narinig. Tila hindi sila makapaniwala.

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Where stories live. Discover now