/41/ Southwestern Academy

21K 857 117
                                    

Chapter 41:

SOUTHWESTERN ACADEMY

*************

Ester's POV

"WELCOME SIGNUSIANS!"

Masayang pagbati sa amin ng mga taga-Southwestern Academy nang makarating kami sa paaralan nila. Just this last mission at matatapos na ang misyon namin. Mas mapapaaga as what we had expected.

Katulad ng paaralan naming may mga fairies, the fairies of this school flew around us, leaving pixie dusts everywhere to welcome us. Nasa unahan naming lahat si Finnix who is the leader of the group, confidently walking forward. Sumunod sa likod niya ay ako at si Lucas. Behind us are Hydra, Heavean and Crystal. Sina Wyn, Marko at Ten ang nasa pinakalikuran. Nine of us entered the Southwest Academy on that way. We were welcomed like royalties. Well, yeah! Bluebloods are true royalties and Marko is the descendant of the greatest healer. Hindi na ako magtataka kung bakit ganito kainit ang pagbati sa kanila. Ako lang naman talaga ang naiiba sa amin, a stranger na kakasulpot lang sa mundo at pilit tinatago ang identidad ng magulang.

Maraming mga estudyanteng sumalubong sa gate ng academy nila. Nagbibigay sila ng daan kapag dadaan na kami. Tuwang-tuwa silang lahat na makita kami. Hindi ko lang alam kung kasama ako sa 'kami' na tinutukoy ko.

"Sabi ko na, totoo ang balitang darating ang Bluebloods eh!" kinikilig na sabi ng babaeng nadaanan namin. "Buti nalang talaga at vacant natin ngayon kaya nakita natin ang Bluebloods. Ang gwapo talaga ni Finnix!"

"Si Lucas din!" Tumitili silang dalawa at rinig na rinig ng naririndi kong tenga. "They all look hotter than they last visited our school. Except from that girl, who is she? I've never seen her before," maarte niyang sabi.

Hindi ko na sila pinansin at itinuon ang aking mga mata sa ibang mga estudyante. Wala namang pagkakaiba ang mga estudyante dito at estudyante ng Signus Academy.  Lahat sila nagkakandarapa parehas sa mga kaibigan ko. Tsss. Popularity and fame.

Dumiretso pa kami sa paglalakad hanggang sa pinakadulo ng mga nagkukumpulang mga estudyante ay ang isang matandang lalaking may hawak na tungkod at nakasuot ng makapal na eyeglasses. I can feel the extreme power that he holds. A power that is stronger than anyone here, well except mine. I think this man is the headmaster of this academy.

"The future of Archania..." the old man said smiling. "It is Southwestern Academy's pleasure to welcome all of you!" mahina ngunit bakas ang kasiyahan nitong sabi.

"Mr. Huklen!" sabay-sabay nilang sigaw maliban sa'kin. It seems they all know each other, kahit na si Marko ay tila kilala rin si Mr. Huklens. Nagsitakbuhan silang lahat at niyakap ang matanda.

"Huwag tayo rito. Maraming mga estudyanteng nakakakita. Baka masira ang imahe niyo bilang malalakas at matapang na estudyante. Doon tayo sa office ko. Alam kong marami kayong iku-kwento sa akin at gano'n din ako sa inyo. You know what to do!" Mr. Huklen said.

"Yes! We are going to experience it again!" Heaven exclaimed. Hindi ko maintindihan ang pinagsasasabi nila o kung ano ang tinutukoy niya. Lahat sila pumalibot at humawak sa tungkod na dala ni Mr. Huklen. Kahit hindi ko alam kung para sa ano ito ay ginawa ko na lang din.

Nang lahat kami ay nakahawak na sa tungkod, Mr. Huklen knock the tip of it on the ground. As a sound was produced, tila may kung anong pwersang humigop sa amin paibaba. Naipikit ko ang mga mata ko dahil sa gulat. Parang pumaikot-ikot ang diwa ko sa isang spiral na kulay itim at puti hanggang sa pagdilat kong muli ay nasa loob na kami ng opisina. Teleportation! With a twist! Pero hindi ako nasisiyahan dahil muntikan nang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko.

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon