/27/ Lucas' Past

21.2K 868 113
                                    

Chapter 27:
LUCAS' PAST
*************

Ester's POV

"You can now stop pretending Ester. I know who you are," Lucas said before my face.

"What are you talking about Lucas?" tanong ko na parang hindi ko alam ang sinasabi niya. Binalak kong umalis sa pwestong iyon pero kaagad niya naman akong hinigit at ibinalik sa pwesto ko.

"Speak!" ma-awtoridad niyang utos.

"I don't have time playing with your games, Lucas," mariin kong sabi.

"I also don't have time playing with your games, Ester. Just tell me the truth!" His serious eyes say it all. Mukhang kilala niya na nga ako. At kung totoo man, kailangan kong patahimikin ang lalaking ito. Hindi pwedeng malaman ng iba ang sekreto ko.

"'Sais, ready your needles of contract. I will have to quiet this guy," utos ko kay Sais.

"It's prepared, Ester. You can thow it to him anytime," Sais replied.

"Good."

"What truth?" pagbalik ko kay Lucas.

Pinadaloy ko na ang signus ko at inihanda ko ang mga karayom ni Sais sa mga daliri ko. Kapag ang sinagot niya ay ang buong pagkatao ko, hindi ako magdadalawang isip ni ipasok sa katawan niya ang mga karayom na ito at itali siya sa isang kontrata.

"The truth that you are---"

"Oh my gosh! What are you doing?" Isang nakaririnding boses ang pumukaw sa aming atensiyon. Bumaling ang tingin namin sa pinanggalingan ng boses na iyon. Natatandaan ko kung sino siya. Siya ang alalay ng bully dito sa school.

"I'm gonna tell this to Rizka," sabi niya bago umalis.

Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa frustration. Dagdag problema na naman ito.

"Tonight 10PM. If you want to explain yourself, meet me at the Dead Lake," Lucas said then he left.

Ngayon naiwan akong nag-iisip. Kinakabahan. Naguguluhan sa mga nangyari ngayong araw.

I hugged Finnix unintentionally.

Mr. Magnus denied that he is my uncle.

Lucas unexpectedly showing, saying that he knows me.

And lastly, I will surely become a slut of this academy.

Sh*t!

Sigurado akong hindi na magiging maayos ang buhay ko sa akademyang ito. Kailangan ko na talagang tapusin ang misyon ko nang mas maaga.

Bumalik na ako sa dorm upang kumain. Alam ko namang may madadatnan akong pagkain doon dahil hindi hinahayaan ni Hydra na maubusan kami ng stock ng pagkain sa dorm.

Nang marating ko ang pinto ng dorm, kaagad kong napansin ang sulat na nakadikit sa pinto

'We went to Blueblood's Headquarter. If you read this letter, ready yourself. Eat first before coming here. Ten will be there to fetch you.'

'Yan ang nakasulat sa papel. Kinuha ko ito mula sa pinto at tuluyan nang pumasok sa loob. Napagdesisyunan kong maligo muna dahil dalawang araw na rin akong hindi naliligo. Mainit at malagkit na sa katawan at medyo nangangamoy na rin ako.

Matapos kong maligo ay kaagad kong tinungo ang refrigerator at binuksan ito. Bumungad sa akin ang napakaraming pagkain na maayos na maayos ang pagkakalagay sa ref. Nakalagay ito sa transaparent na kwadradong sisidlan. Kinuha ng mga kamay ko kung ano ang unang makita ng mga mata ko. Hindi ko na naisipang mamili ng kakainin sapagkat gutom na gutom na rin ako. Nagsisigawan na ang mga alaga kong dragon sa tiyan ko.

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Where stories live. Discover now