/6/ Versus Fire And Finnix

27.5K 1.1K 202
                                    

Chapter 6:
VERSUS FIRE AND FINNIX

"HEADMISTRESS' OFFICE." Nakaginhawa ako nang maluwag nang mabasa ito. Halos isang oras akong naghanap bago nakita ito. Hindi ko kaagad ito napansin dahil ito ang pinaka-simpleng estruktura dito sa akademya. Isa lamang itong bahay-kubo na napapalibutan ng napakaraming halaman at bulaklak. Dahil dito, madali kong natukoy ang ugali ng HM.

Akmang kakatok ako ng pinto nang  bigla nalang itong bumukas at isang pigura ang nagpakita. Nakakunot ang noo nito at halatang naiinis. Siya ang nakipagtitigan sa'kin kanina. Kulay pula ang kaniyang buhok na bumagay sa malaporselana niyang balat. Aaminin ko, sobrang guwapo niya at malakas ang appeal niya kaso mukhang masungit.

'Not my type.'

"Stay out of my way!" sigaw niya dahil sa pagkakaharang ko sa pinto.

Pero hindi ko siya pinakinggan. He should be the one giving a way dahil babae ako. Gwapo nga, hindi naman gentleman. Nagkunwari akong walang narinig. Ni isa sa amin ay ayaw magbigay ng daan kaya para kaming mga tanging nakatayo sa pintuan dahil walang may balak na magpaubaya.

"I said stay out of my way!" mas malakas niyang sigaw at lumiyab ang kaniyang kamao ng pinaghalong pula at asul na apoy. He's a Grand Fire Elemental. Interesting!

Tinitigan ko lang ang kaniyang nagliliyab na kamao at tinaasan siya ng kilay. I hissed at nagtuloy-tuloy na pumasok, nakipagsiksikan kahit walang space.

"You dare!" he gritted and he grabbed my right arm. May lumabas na fire wings sa likod niya saka niya ako inilipad palabas ng HM's Office. Sa bilis ng pangyayari ay hindi ako nakapag-react. Naramdaman ko na lang ang pagsalampa ko sa damuhan.

"Tss." Iyan ang lumabas sa bibig niya at umalis na parang walang pake sa nangyari.

Biglang uminit ang loob ko. 'I won't take this shame.'

"Quatro, Singko, Mask-up," ramdam kong pumulupot ang lubid nina Quatro at Singko sa mga ugat ko. Tumalas ang lahat ng senses ko. Parang bumagal ang paggalaw ng lahat ng bagay sa aking paningin. Hmm, this feeling.

Hinigit ko ang aking dagger, tinanggal ang sariling presensya at mabilis akong tumakbo para habulin ang lalaking papalayo na sana. After a second, I flashed beside him and a cut was made on his biceps. Dumaloy mula rito ang masaganang dugo na nagmantsa sa puting uniporme na suot niya.

Nang medyo nakalayo na ako sa kaniya, inikot ko ang aking katawan sabay tapon ng dagger na hawak ko. Mabilis naman siyang nagtapon ng isang fireball para salagin ang atake kong iyon.

He countered attack again with two fire rockets. Inilagan ko ito na parang isang skilled ninja pero hindi ko akalaing susunod ito sa kung saan ako pumunta at may bilis na tulad ng tunay na rocket. Nang mahabol ako nito ay bigla nalang itong sumabog  na parang bomba kaya tumilapon ako nang wala sa oras. Napaubo ako ng dugo at pinahiran ko lang ito na parang walang nangyari. Tumayo ako't pinagpag ang damit kong puno ng alikabok.

'Nice reflexes, good moves, amazing techniques,' komento ko sa isip ko habang nakatingin sa kaniya. Binigyan niya ako nang mapang-asar na ngiti na parang nagsasabing hindi ko siya kayang talunin. 'Fine, I won't show mercy then,' at binalik ko sa kaniya ang mapang-asar na ngiti.

Pinadaloy ko ang aking magnus sa aking mga kamay. My magnus or second ability is Infinite Weapon. I can create unlimited weapons and perform techniques with them.

"Null Daggers," I chanted, creating five daggers, and threw them at him simultaneously. Nang papalapit na ito sa lalaki ay tinanggalan o ang mga ito ng presensya. Sa ganitong paraan, mahihirapan siyang maramdaman ang direksyon ng mga ito.

Tinira ko ulit siya ng tatlong magkakasunod na null daggers. Tinanggal ko ang presensiya nito at mas pinabilis ito.

Nakita kong hirap siyang ilagan ang limang naunang daggers pero nailagan niya pa rin ito nang hindi nasusugatan, ngunit huli na nang mapansin niya ang tatlo pang magkakasunod na null daggers.

Nagpakawala siya ng dalawang bolang apoy at nagawang lusawin ang una at pangalawang null daggers. Ngunit ang panghuli ay dumaplis sa kaniyang pisngi. Dumaloy ang sariwang dugo mula rito. Kita ko ang inis sa kaniyang mukha.

Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong mag-counter attack. Nagpakawala ako muli ng mas advanced na atake. "Null Driving Daggers." I chanted. This technique would enable the user to control the direction of the daggers and also its presence.

Parang machine ang mga palad ko na sunod-sunod na naglalabas ng daggers at tinitira ko ito sa kinaroroonan ng lalaki. Sunod-sunod ang mga ito with 0.5 second time gap at dumadaan sa iba't ibang direksiyon. Nagmistulang mga bubuyog ang mga daggers dahil sa bilis nito at sa tunog na nagagawa nito.

Tinanggalan ko ang ibang daggers ng presensiya ngunit ang iba ay pinanatili ko ang presensiya to create confusion. This was the technique na inembento ko at ilang buwan kong inensayo para maisagawa nang maayos.

"Fire Barrier!" sigaw ng lalaki at dinepensahan ang kaniyang sarili gamit ang makapal na fire barrier. Kapag tumatama ang mga daggers sa barrier niya ay nahuhulog ito sa baba ng barrier. Hanggang sa lumipas ang isang minuto at halos matambakan na siya ng gabundok na daggers.

"Raging Fire Dragon!" A red magic circle appeared and a dragon came out of it. The dragon looked magestic but fierce like its master. Nagbuga ito ng apoy para lusawin ang mga daggers na nakatambak sa barrier. It continued breathing fire hanggang sa umabot ito sa akin.

I dived backwards five times to dodge the incoming fire. But still, ramdam ko pa rin ang init mg apoy na ibinuga niya kahit na ilang pulgada ang agwat ko mula rito.

"STOP!" isang sigaw ang bumaling sa atensiyon ko. Mula ito sa isang middle-aged na babaeng may suot na eyeglasses at nakatayo sa pintuan ng HM's Office. Napakalakas ng kaniyang presensya. I think she is the Headmistress.

Pero ayaw pa ring umawat ng lalaking pula ang buhok. Puno ang kaniyang mata ng inis at paghihiganti.

"IGNUS attack her!" the dragon rushes into my direction.

Hindi ako nagpakita ng takot bagkus ginamit ko ang isa sa mga alas ko.

I have many secrets and I will reveal one: When fighting with me, don't let my weapons touch you or else, game over.

Pinadaloy ko ang ability ni Quatro sa mga mata ko. Unti-unting nagkaroon ng blue strings ang paningin ko na konektado sa mga sugat ng lalaking pula ang buhok na gawa ng daggers ko.

"Signus Vo................." I chanted but it was interrupted by someone's loud chant.

"Majica Voide!" dinig kong sabi ni headmistress.

May lumitaw na magic circle sa lupa na kinatatayuan namin ng lalaki at biglang nawala ang kaninang apoy na nasa katawan niya na parang bula. Nalusaw din na parang abo ang dalawang hawak kong daggers.

"Finnix, is that how you welcome a new student?" mataray na sabi ni ni HM. "Come inside both of you!" she commanded after.

Wala naman akong magawa kun'di sundin si HM gano'n din ang lalaki na sa pagkakarinig ko ay si Finnix.

Nang nasa pinto na kami ay wala pa ring gustong magpaubaya. Nagsiksikan kaming dalawa kaya naipit kami sa pinto at hindi na makaalis. Napakalapit namin sa isa't isa. Magkadikit ang aming katawan and he felt warm.

"The thought of being so close to an ugly creature is disgusting," pagpaparinig niya.

"The thought of being so close to a weakling is more disgusting," bawi ko. Sumama ang ekspresyon ng kaniyang mukha dahil dito. His perfect-sculpted jaw moved as well as his thick eyebrows. Side view lang ang nakikita ko sa mukha niya but he looked manly with that expression. Napapapikit ako at napailing. What the hell am I thinking!

Nagulat na lang ako nang may kung anong pwersang humugot sa'min mula sa pagkakabara at lalo pa akong nagulat nang bumagsak kami sa sahig, nagpagulong-gulong nang magkayakap.




Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant