/49/ RUN!

15.6K 718 74
                                    

Chapter 49:

RUN!
*************

LUCAS' POV

Sa wakas ay narating na namin ang Star Mall. As what I had expected, the place is crowded with people; the very thing that I surely hate.

Wala naman talaga sa isip ko ang sumama dito sa Star Mall. Pero para sa ikasasaya ng lahat ay sumama na rin ako.

Si Ten lang lahat nag-decide kung saan kami pupunta. After so many time wandering around, he went to the arcades without any notice. Wala kaming choice kundi sumunod sa kaniya. Ten hasn't change at all. Simula nang mga bata pa kami ay lagi niya kaming dinadala sa mga arcades para maglaro. He is still the Ten that I knew when we were kids. For him, fun things comes first.

Pagdating namin sa arcades ay kaagad na nagsi-unahan sila mga games na pwede laruin.

Pumunta ang magpinsan sa dance master at kinukulit ni Heaven si Hydra na makipaglaro sa kaniya sa dancing machine. The machine needs a pair of players that's why. Ayaw ni Hydra nung una pero napilit pa rin si ni Heaven. They are both good at dancing.

Ang hindi ko alam kung magkasintahan na ba ulit o hindi na sina Ten at Crystal ay nasa Shoot The Ball game. Nasa likod ni Crystal si Ten and the lover boy is teaching Crystal how to shoot the basketball properly. May parteng naiilang at may parte namang nagugustuhan ni Crystal ang ginagawa ni Ten based on her expressions. Tumayo ang balahibo ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maki-cringe.

I,  Wyn, and Finnix are just talking to each other. Actually, sila Finnix at Wyn lang naman talaga ang nag-uusap at nakikinig lang ako sa kanila. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa misyon namin ngayon. Huling araw na ito ng misyon at bukas na bukas ay babalik na kami sa Signus Academy.

Napangiti nalang ako sa nakikita ko ngayon. They are all happy and I think it makes my heart smile too. Masaya na akong nakikita ko silang masaya.

Halos hindi na namin namalayan ang oras. They are too happy para ma-interrupt sa kani-kanilang ginagawa.

Ngunit hindi ko inaasahan ang biglang pagkalam ng sikmura ko. Tumunog ito nang napakalakas hanggang sa marinig ito nila Wyn. Napakamot na lang ako sa ulo while they both laughed at me like jerks.


"Do your dragons need to be fed again?" tumatawang tanong ni Finnix. It's my greedy tummy again. Kailangan ko na munang kumain.

"Sorry bro, I think I have to grab some food first." Ngumiti na lang ako bago umalis para bumili ng pagkain.

Narinig ko pang nagsalita si Wyn habang papalayo ako, "That man is really a baby. He hasn't matured yet."






Napangiti nalang ako sa sinabi ni Winwin. Hindi ko akalaing napakalawak pala talaga ng mall na ito. Pero kahit na malawak ay puno pa rin ng tao. Naglakad ako nang naglakad sa mall hanggang sa makarating ako sa ground floor nito kung saan nagkukumpulan ang halos lahat ng restaurants.  Pero nang sumilip ako sa bawat restaurant ay parang puno lahat at  wala nang mauupuan.

Lalo lang lumalakas ang pag-ungol ng tiyan ko nang maamoy ko ang mabangong amoy ng mga pagkain.

Mabuti na lang at may nakita akong free taste stall sa dulo at walang masyadong taong pumupunta. I have no other choice. Kaagad kong tinungo ito.

"Good morning Sir. Wanna have a taste?" tanong sa aking ng babaeng nagbabantay ng stall. She is wearing a mint green apron above her blue dress.

"Sure!" sagot ko. I tried to fake a reaction of excitement on my face.

Binigyan niya ako ng green sealed platic cup na may lamang juice at isang straw. Itinusok ko ang straw sa cup at humigop ng kakaunting juice to try its quality. Nang lumapat sa dila ko ang juice ay halos magulat ako. The juice tastes so good and energizing.  Parang nawala lahat ng pagod ko sa paglalakad.

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Where stories live. Discover now