/56/ Monsters

12.9K 524 42
                                    

Chapter 56:

MONSTERS

Lucas' POV

*Ilang minuto bago ang pagsabog*

Matapos mawala ng nakasisilaw na liwanag ng pulseras ay nanatili akong nakatayo sa arena. I am the one who picked the fake bracelet. Hindi lang ako ang nanatiling nakatayo. Walo kami ang dismayadong makapasok sa cube. One from each team ang hindi nakapasok.

Nagpasya na lang akong umalis na dahil wala namang paraan para makapasok pa ako sa cube. Hindi na ako manonood. Bagama't hindi ko alam ang kakayahan ng mga kalaban ay alam na alam ko naman ang kakayahan ng mga kaibigan ko. Together, they are invincible. Lalo pa't naroon si Finnix na siyang mamumuno sa kanila.

I left the loud arena at nagdesisyong tumungo na lang sa dorm para magpalit ng damit. But as soon as I set foot a meter apart from the gate of arena, bigla na lang akong nakaramdam ng kakaibang sensasyon. Lumingon ako sa mga puno at tama nga ang nasa isip ko. They are sending me a signal. They all slightly bend as if they are showing a direction for me to take.

Sinundan ko ang direksiyon na itinuturo nila and it brought me to our academy's gate. Nakasara ito ngunit isang pigura ng lalaki ang iniluwa nito.

Payat, mahaba ang buhok at maduming lalaki ang pumasok. Sa pagtapak ng kaniyang paa sa lupa ng akademya ay kaagad siyang natumba. Kaagad akong tumakbo para tulungan siya. Binuhat ko siya't iniharap sa akin at kaagad ko siyang namukhaan.

"Papa?"

"Papa anong nangyari sa'y..."

"Lucas." Mahinang sambit niya sa aking pangalan dahil sa panghihina. "Umalis ka na rito. Hanapin mo si Ester. Tumakas kayo."

"Tumakas?" Umling ako. This is not the matter right now "Papa, kailangan kitang dalhin sa clinic." I did not bother asking about what he's saying. Tatanungin ko na lang siya kapag maayos na ang kalagayan niya. Hinawakan ko ang kamay niya para mabuhat siya ngunit kinabig niya ito.

"Wala ng oras, anak. Umalis na kayo ni Ester!" Kumunot ang noo ko dahil kanina niya pa ako sinasabihang umalis.

"Kailangan mo munang pumunta sa ckinic para magpagaling, Pa," I said. Nasa nakakaawang sitwasyon siya ngayon. Kahit na mayroon kaming hindi maayos na relasyon ay hindi ko pa rin kayang makita siya sa kalagayang ito.


Puno siya ng sugat at labis na nanghihina. His aid is what comes first. Pinasan ko siya sa likod at itinakbo papuntang clinic.


"Lucas. Hanapin mo si Ester! Umalis na kayo ri---"


Boooooggsh!


Napayuko ako ng bahagya dahil sa lakas ng pagsabog. Pagtingala ko kung saan nagmula ang pagsabog ay unti-unting nagkakalamat ang barrier.

'Ito ba ang rason kung bakit pinapaalis ako ni Papa? What exactly is happening?'

Kailangan ko munang dalhin si papa sa clinic at bumalik para tanungin si Ms. A.


While running, I can hear the cracking sound of the breaking barrier like that of a breaking glass.

Nadatnan ko ang mga healers sa labas ng clinic, and I think they went outside to know where the massive explosion came from. Nang makita nila ako ay kaagad silang pumasok at inihanda ang isang kwarto. Inilapag ko si papa sa puting kama.

"Papa, dito ka lang. I have to be there. Aalamin ko lang kung ano ang nangyari," pagpapaalam ko kay Papa. Ngunit nang paalis na ako ay bigla niyang hinawakan nang mahigpit ang aking kamay na siyang nagpahinto sa akin.

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ