CHAPTER 44- Project Nathalie

275K 5.7K 1.2K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love makes you... ahm... beautiful?!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 44- Project Nathalie

MIKA's POV

Halos magiisang linggo narin makalipas ang performance ni Hell. Balik na ulit ang normal class schedules ng Academy dahil tapos na ang lahat ng exams sa lahat ng departamento. 

Papunta ako ngayon sa Home Economics class, meaning makikita ko si Hell.

Pagdating ko sa room, nandoon na si Vincent, pero si Hell wala pa. 

"Good morning Vincent," bati ko sa kanya pagkaupo ko.

Tumango lang s'ya sa akin. Ang tamlay n'ya parin. Simula noong remedial exams ni Hell, ganyan na s'ya, hindi masyadong umiimik at parang walang energy.

"Ano Vincent, hindi parin ba kayo--" Itatanong ko palang kay Vincent kung okay na ba sila ni Hell, nang bigla namang dumating si Hell. 

Pagkaupo ni Hell sa gitna namin ni Vincent, bigla na lang inipod ni Vincent ang upuan n'ya palayo sa upuan ni Hell, para s'yang isang babaeng nagtatampo sa boyfriend n'ya. Inignore lang ni Hell ang ginawang yun ni Vincent, nagbukas lang s'ya ng libro at doon tinuon ang atensyon n'ya.  Okay, mukhang hindi parin sila okay na dalawa hanggang ngayon.

Kahit hindi sila nagiimikan na dalawa, ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila. Si Vincent na nakatitig sa cellphone n'ya, halatang ayaw lang tingnan si Hell. Si Hell na nakatingin sa libro, ganoon rin, mukhang hindi naman s'ya nagbabasa, mukhang ayaw lang n'ya talagang tingnan si Vincent. Pareho nilang ayaw tingnan ang isa't-isa pero ramdam mong gustong-gusto nila parehong magusap.

Haay, hanggang kailan ba sila magiging ganito? Ako ang nafufrustrate sa kanilang dalawa eh. Kung kaya ko lang talaga, matagal ko na silang sinigawan ng "Magbati na kasi kayo!", pero yun nga, hindi ko kaya.

.

.

Matapos ang klase namin, habang nilalagay ko ang hand-outs ko sa bag, kinausap ako ni Vincent.

"Ruth, tarang kumain. Wala ka pa namang klase pagkatapos nito diba?"

"Okay sige tara. Balak ko nga ring dumaan muna ng canteen eh." Tumingin ako kay Hell na patayo na para lumabas, "Ano... Hell, gusto mong sumama?"

Halatang nagulat si Vincent sa sinabi ko, mukhang maging si Hell nagulat din. Hinihiling ko na sana pumayag si Hell para mapag-usap ko silang dalawa ni Vincent, pero...

Pagkasukbit ni Hell ng bag n'ya, tiningnan lang n'ya ako, tapos nilampasan.

Pagkalabas ni Hell sa pinto, pinat ni Vincent ang balikat ko, "Give it up. Imposibleng sumama 'yun dahil kasama ako. Tara na," sabi n'ya.

Nauna ng lumakad si Vincent sa 'kin palabas ng pinto, pero napatigil s'ya sa paglakad nang sumigaw ako.

"Okay lang ba talaga sa'yo 'tong ganitong set-up?"

Agad napaharap si Vincent sa akin, "Ha? Anong set-up Ruth?"

"Ito. Yung hindi kayo nag-iimikan at nagpapansinan ni Hell. Okay lang ba talaga sa'yo yung ganito?"

"Hmmm... oo, okay lang."

"Talaga? Eh kung ako nga na tinitingnan lang kayo nahhihirapan na eh, ano pa kayong dalawa?"

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon