CHAPTER 80- 'The Day the Earth Quake' | (3)

10.5K 504 1.4K
                                    

CHAPTER 80- 'The Day the Earth Quake' | Strike 3

Magnitude 8.0 | Intensity X - Extreme

Continuation...

[ December 24

 19 hours before the Earth quakes ]

MIKA's POV

"Bunso, gising." Madaling araw. Mahimbing akong natutulog nang gisingin ako ni kuya Tyron. "Bumangon ka na diyan. Maligo ka na."


"Saan tayo pupunta?" mumukat-mukat kong tanong. Nagluluha pa mata ko sa antok. Puyat ako dahil may tinapos akong k-drama. Halos ala una na no'ng humiga ako sa kama at natulog.


"Fieldtrip," tipid na sagot niya.


"Fieldtrip?" sobrang naguguluhan kong tanong. "Anong fieldtrip? Bakit hindi ako informed? May sinabi ba kayo kagabing pupuntahan natin?"


"Maligo ka na. Mamaya na 'yung paliwanag. Parating na 'yung sasakyan. Bilis! Kilos na!"


Nagtaklob ako ng kumot at mas namaluktot imbis na bumangon. 


"Mika!"


"Puyat ako kuya. Mamaya na lang ako maliligo pag-uwi. Gisingin mo na lang ako pag paalis na tayo. Magbibihis na lang ako nang mabilis."


"Okay. Walang sisihan mamaya," sabi niya bago tuluyang lumabas ng kwarto.


Masyado akong antok para isipin kung anong ibig sabihin niya do'n sa sinabi niya. Itinuloy ko na lang ang pagtulog kahit medyo hindi gets ang nangyayari.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

"Bunso! Andito na sasakyan! Bihis ka na!" sigaw ni kuya mula sa labas ng kwarto makalipas siguro ang mga isang oras?


Antok na antok pa ako pero since gusto kong masulit ang oras ko kasama sila bago ako umalis mamaya, pinilit kong bumangon kahit hindi ko alam kung saan ba nila balak pumunta umagang-umaga. 


I wore just whatever. Kung ano mang nakuha kong una mula sa damitan ko, 'yun na.


Naghilamos lang ako at nagtoothbrush. Nagpulbo. Tinali ang buhok ko in a messy bun. Hindi ako naligo. Wala pang 15 minutes, all set na ako. Bumaba na ako sa salas.


"Okay na ako. Saan ba tay-" 


"Hi, Ruth!" bati niya. Ni Vincent. "Good morning!" 


For some reason, nadatnan ko si Vincent sa salas namin pagbaba.


Agad akong napalunok. Kung narito siya, malamang andito rin si-


"Morning," bati sa akin ng katabi ni Vincent. Ni Hell. "You ready?"


"Hindi!" sigaw ko. "Sobrang hindi pa ako ready!"


WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon