CHAPTER 53- ASSSFASSW

246K 7.3K 4.5K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is an asshole. It will make you believe you're getting there, when you're actually getting nowhere.

Love is an asshole. It will come in the form of a subtle raindrop, just to hit you like a burning meteor.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 53- ASSSFASSW

MIKA's POV

"Ay! King ina ka!" 'Yan ang bungad sa akin ni K na halos mapatalon sa gulat, pagpasok na pagpasok n'ya sa apartment, bandang alas' otso ng umaga.

Hindi ko s'ya masisisi kung bakit ganoon ang reaksyon n'ya. Madatnan n'ya ba naman akong nakaextend ang dalawang braso sidewards (parang nakapako sa krus), may suot-suot sa ulong papel na supot na may butas sa may mata, ilong, at bibig (parang maskara ng holdaper pero papel), tapos... tapos... nakaluhod pa ako sa isang dyaryo na puno ng mga butil ng munggo (masasakit sa tuhod na butil ng mga munggo, huhu).

"Sino ka?" tanong n'ya.

"Ako 'to."

"Sausage?"

"Oo. Huhu."

"Pfft-- Ano'ng klaseng trip yan?" Natatawa n'yang tanong habang tinitingnan ako mula ulo hanggang sa nakaluhod kong tuhod. "Bakit ka nakaluhod sa munggo?"

"Parusa 'to ni Ace sa 'kin, huhu. Dapat kasi may maipasa na ako sa kanyang lyrics by six in the morning, e kaso kahit isang stanza wala akong naipasa sa kanya huhu. Hangga't hindi daw ako nakakasulat ng lyrics dapat lumuhod daw ako dito sa munggo. Huhuhu."

"Ahaha. E para saan 'yang papel na supot na nakasuot sa ulo mo? Mukha kang tanga haha."

"Ikaw kaya ang nagsabing magsuot ako ng maskara pagdating mo sa apartment!"

"Maskara ang sabi ko, hindi papel na supot."

"E sa wala akong makitang maskara e!"

"Hahaha."

"K... tulungan mo 'ko. Tulungan mo ko please! Bigyan mo 'ko ng idea para sa isusulat kong lyrics, para makaalis na ako dito. Ang sakit na ng tuhod ko. Sige na."

"Edi tumayo ka na d'yan. Wala namang nagbabantay sa'yo a?"

"Nagcr lang si Ace. Pag nadatnan daw n'ya akong wala sa pwesto ko, magsosolo daw s'ya sa Midterms namin. Huhu."

Nagcross-arms si K at umiling-iling. "Tsk tsk, problema nga 'yan."

"Di' ba? Huhu."

"Teka..." Hinubad ni K ang suot na pack bag at parang may hinanap na kung ano sa loob noon. Akala ko something na makakatulong sa problema ko 'yung ilalabas n'ya sa bag, pero...

"Bakit ka nagseselfie sa tabi ko!!!" sigaw ko. Aba at cellphone ang nilabas ng walangya, tapos nagselfie pa sa tabi ko!

"Laugh trip kasi 'yung itsura mo ngayon, sayang kung hindi ko kukuhanan ng picture bilang remembrance haha."

"Walangya ka talaga!"

"Haha." Luminga-linga s'ya sa paligid at para bang may hinahanap. "Nasaan si Dark?"

"Malay ko!" inis kong sagot.

"Dark! Dark, andito na ako! Nasaan ka?!" Hindi na n'ya ako pinansin at lumakad na s'ya palayo para hanapin 'yung masungit n'yang pusa.

Huhu. Mukhang mag-isa na nga lang talaga ako sa problemang ito T__T

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

WHAT LOVE ISWhere stories live. Discover now