CHAPTER 33- A Night Full of Stars (Part 2)

208K 5.6K 1.3K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is the mother of Regrets.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 33- A Night Full of Stars (Part 2)

MIKA's POV

Pagbalik ko sa living room kasama ang Star-X, nagtatalo parin si Rocket at Ace, ganun rin si Ivan at Ash. Si Shield, hindi ko alam kung saan nagpunta.

"Ah... saglit lang ha?" nahihiya kong sabi sa Star-X na hindi maipinta ang mga itsura habang nakatingin sa mga nagtatalo kong kasama sa apartment (na hindi man lang aware na pinapanood sila ng tatlong superstars).

"Ah... guys..." tawag ko sa kanila, pero hindi nila ako pinansin, tuloy parin sila sa pagtatalo.

"Ehem... guys!" Tinry ko ulit silang tawagin pero waepek parin.

"G—" Tatawagin ko ulit sana sila for the third time pero inawat na ako ni Flare.

"Let me handle this," sabi n'ya sa akin. 

Huminga s'ya ng malalim tapos, "Good evening!" sigaw n'ya.

"Shut up!" sigaw nung apat, tapos bumalik na ulit sa pagtatalo. Flare looked very shock dahil dun.

Pero ilang segundo ang makalipas, napatigil bigla sa pagtatalo yung apat, at unti-unting lumingon pabalik kay Flare. Kumaway si Flare, nag "good evening" si Air.

Natulala yung apat noong marealize nila kung sino yung sinigawan nila ng "Shut up!" kanina lang, at nang makita kung sino yung tatlong nasa harapan nila. Yung bibig ni Rocket at Ivan, mapapasukan na ng langaw dahil sa sobrang pagkakanganga.

"F*ck! What's wrong with you bitch?" daing ni Ace dahil bigla s'yang binatukan ng malakas ni Rocket.

"Masakit?" tanong ni Rocket.

"Gusto mo, itry ko sayo?" nanggagalaiting sagot ni Ace.

"Nasaktan ka so mukhang hindi nga to panaginip," sabi ni Rocket sa sarili, ignoring Ace.

"You bitch! Punong-puno na talaga ako say—" Balak ng sugurin ni Ace si Rocket pero pinigilan s'ya ni Ivan at hinigit na lang papunta sa veranda para pakalmahin. So close na talaga sila?

"Ash, saan ka pupunta?" sabi ni Rocket kay Ash na paalis na. Hindi ito sumagot, itinuloy lang ang paghakbang at nagtatakbo ng mabilis papunta sa taas like his life depended on it, hinabol s'ya ni Rocket. Ngayon ko lang nakitang tumakbo si Ash ng ganun, well ngayon ko lang nakitang tumakbo si Ash. Anong meron?

"Ang lively ng mga kasama mo sa apartment ah," sabi sa akin ni Flare. Binigyan ko na lang s'ya ng isang pilit na ngiti. Hindi ko kasi alam kung compliment ba yung sinabi n'ya or what.

"Ah ano, maupo muna kayo," sabi ko, umupo naman silang tatlo sa sofa. Hiyang-hiya talaga ako, lalo na kay Night, hindi ako makatingin sa kanya.

"Ah, a-anong ginagawa n'yo dit—" Napatigil ako sa pagtatanong nang bigla na lang mapatayo si Flare at mukhang gulat na gulat. Napatingin ako sa direksyong tinitingnan ni Flare, at nakita ko si Shield. Nagulat siguro s'ya sa itsura ni Shield? Dahil hello, naka black cloak s'ya.

"Ah wag kayong matakot, tao s'—" Natigil ako sa pageexplain at napatalon sa gulat dahil nailaglag ni Shield sa sahig yung hawak n'yang baso na may lamang tubig. Agad kumuha ng walis at pandakot si Shield para linisin yung shards ng nabasag na baso.

Tutulungan ko sana s'ya pero bago pa ako makapunta sa kinalalagyan niya, nakapunta na doon si Flare.

"Ikaw ba si--"

WHAT LOVE ISWhere stories live. Discover now