CHAPTER 75- School Fest! [Day 5: 'The last scenes before the world shifts' (1)]

11.4K 609 350
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love... melts in the mouth. 

Like cotton candy.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 75- School Fest! [Day 5: 'The last scenes before the world shifts' | Part 1]

MIKA's POV

"Tapos ka na agad pumili? Ang bilis naman," sabi sa akin ni Vincent pagbalik ko sa tapat niya carrying the costume I chose. 


Nasa loob kami ng rental booth ng costumes for today's day 5. Ako, siya, si Rocket, at Shield. Tapos na akong pumili ng isusuot ko, habang si Vincent pumipili pa ng kanya. Gano'n din sila Rocket at Shield. Halos kadarating lang din kasi namin.


"Wala naman kasi ako masyadong choice. Kung ano pinakamura, 'yun na," sagot ko. 'Yun naman kasi talaga ang totoo. Wala na akong budget! Ako lang sa mga kasama ko sa apartment ang pinuntahan lahat ng day ng fest, and now I'm feeling the damage T^T


"Patingin nga ng napili mo." Basta na lang niya kinuha mula sa akin 'yung hawak kong damit.


Tiningnan 'yon.


Sumimangot.


Walang pasabi siyang naglakad palayo tapos, ibinalik 'yon sa hangeran.


"Bakit mo binalik?" tanong ko paglapit ko sa tapat niya.


Hindi siya sumagot. May hiningi lang catalogue do'n sa ate na nasa may counter tapos bumalik sa tapat ko at inabot 'yon sa akin. "Here," sabi niya. "You choose from here." 


"Hindi ko afford 'to!" pag-alma ko the moment he handed it to me. Nasilip ko na laman no'n kanina. Ang gaganda nga ng styles pero ang gaganda rin ng presyo. Ginto! Bitaw agad ako kanina pagkakita ko pa lang no'ng first page.


"I know," sagot niya. "Pero ako, oo."


"Ha? An-"


"I'm paying. So you go ahead and choose. Isama mo na rin 'yung dalawang friends mo."


Natigilan ako saglit. Medyo nag-loading. "Ha? Ang mahal kaya nito! 'Wag ka nga! Libreng sakay na nga kami, tapos ililibre mo pa kami ng costumes? At 'yung premium package pa? Ano kami, siniswerte?"


Tumawa siya. "'Pag hindi ka pumili, ako ang pipili."


"Pero-"


"Sige na, Ruth. Tingnan mo 'yung dalawang kasama mo 'o, pumipili na." Tinuro niya sila Rocket at Shield na kasalukuyan na ngang namimili sa isang tabi. Kailan pa sila nasa may tapat namin ni Vincent?! Kailan pa sila nakahingi ng catalogue?!!


"Miks, pili ka na! Masama tumatanggi sa grasya!" udyok sa akin ni Rocket.


WHAT LOVE ISWhere stories live. Discover now