CHAPTER 48- It's okay...

315K 7.3K 2.8K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is the flower that blooms in the middle of a dead desert. It is the ray of light that shines even at the darkest of places. It is the warm hug that could melt even the coldest of hearts.

Some people say love creates miracles; others say, love is a miracle itself.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 48- It's okay...

MIKA's POV

Nasa Blue Note Building ako ngayon. Araw 'to for Music classes so wala akong klase for academic subjects. Ibig sabihin, wala akong klase sa Home Economics. Meaning, walang Vincent at wala ring Hell para sa araw na 'to.

Speaking of Hell, sabi n'ya, ipostpone daw muna namin yung Operation Good Memories for the mean time. Simulan ko na lang daw kapag okay na ako at wala ng pinoproblema. Ayusin ko daw muna ang problema ko bago ko s'ya tulungan na ayusin 'yong kanya. Get's ko naman yung point n'ya, kaya agad akong pumayag. Yun nga lang, hindi ko alam kung posible pa bang maayos ko ang pinoproblema ko. Pwede ko sigurong makalimutan oo, pero parang imposible nang maayos. Hopeless case na ata 'yong tungkol sa amin ni Night Cervantes.

Kakalabas lang namin nila Rocket mula sa huling klase namin para sa araw na 'to. Naglalakad na kami sa hallway palabas ng Blue Note, nang bigla na lang may isang babae na sumigaw.

"OMG! OMG! OMG! Aahh!"

Agad nagsipuntahan sa tabi n'ya 'yong dalawa n'yang kasamang babae. Pagtingin nila sa cellphone na hawak-hawak noong babae, tatlo na silang nagsisigaw dun ng,

"OMG! OMG! OMG! Aahh!"

Pagkatapos noon, halos sunod-sunod na sigawan na ang sumunod. Sobrang sakit sa tenga, lalo na't katabi ko lang naman 'yong babaeng pinakamalakas ang sigaw sa lahat, walang iba kung hindi si Rocket.

"Ah Rocket, anong meron?" naguguluhan kong tanong. Halos lahat ng babae sa hallway nagtatatalon na sa tuwa, ako lang ang hindi makarelate.

"Ito, ito ang meron. Basahin mo!" Excited na excited n'yang pinakita sa akin ang phone n'ya. May text doon mula sa Hoshi Faculty, isang text announcement. Pagkabasa ko noong text, nagets ko na kung bakit sila nagsisigawan.

Ang sabi lang naman doon sa text, magkakaroon daw ng libreng concert ang Star-X dito sa loob ng Academy sa Linggo, in celebration of Night Cervantes's upcoming birthday. Nalaman ko mula kay Rocket na tradition na pala ng Star-X members ang magbigay ng libreng concert sa isang specific na lugar tuwing mayroong m'yembro na magcecelebrate ng kanyang kaarawan. Iba-ibang lugar ang napipili kada taon. At ang lugar na napili ng Star-X ngayon, ay dito, sa loob ng Academy.

Oo nga't kung tutuusin, maswerte na ang mga studyante ng Academy dahil dumadalaw na talaga paminsan-minsan ang Star-X dito, paminsan-minsan guest performers sila sa mga importanteng school events, minsan hinahayaan pa nilang manood ang mga studyante dito ng dance rehearsals nila, pero saglit na performances lang lagi ang napapanood ng mga studyante ng Academy. Sa labas ng Academy lagi ginaganap ang malalaking concerts ng Star-X, kaya sa labas lang din sila lagi nagpeperform nang matagal. Hindi pa sila nagkaroon ng solo concert dito sa loob ever. Kaya naman, gets ko kung bakit ganito na lang ang tuwa ng mga fangirls na nasa paligid ko. Sa wakas kasi, makakapanood narin sila ng concert ng Star-X ng live at wala pang bayad. Tapos... tapos maicecelebrate pa nila ang birthday ni Night Cervantes, na kasama mismo si Night Cervantes himself, dahil may after-party pagkatapos ng concert. Saan ka pa diba?

Bilang isang fangirl ni Night, s'yempre masaya ako. S'yempre dream come true sa akin ang mapanood ng live ang concert n'ya, at maicelebrate ang birthday n'ya na kasama s'ya, pero hindi ko kasi sigurado kung fangirl pa nga ba talaga n'ya ako. 'Pag nakita ko s'ya, hindi ko alam kung ano'ng mangingibabaw, yung paghanga ko ba bilang isang fan, o yung disappointment ko dahil sa panloloko n'ya.

WHAT LOVE ISWhere stories live. Discover now