CHAPTER 15- Full Moon

281K 5.5K 975
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love makes the impossible things, possible.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 15- Full Moon

MIKA's POV

"Oi Ruth? Ruth!" napalingon ako kay Vincent matapos akong tamaan ng piraso ng papel na binato n'ya sa akin.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"May sakit ka ba?"

"Huh? Wala naman. Maayos naman pakiramdam ko. Bakit?"

"Parang wala ka kasing energy, hindi mo ko binati ng goodmorning pagpasok ko. Ah, teka, mukhang alam ko na pala kung bakit matamlay ka, si Hell no? Akala mo hindi papasok si Hell? Late lang yun, wag kang mag-alala." nakangisi pa s'ya sa akin habang binabanggit si Hell.

"Hi-hindi ko iniisip yun no! Pero speaking of Hell, sa tingin mo galit ba s'ya sa akin? May nagawa ba ako sa kanya kahapon?"

"Huh? Bakit?"

"Eh kasi tinext ko s'ya kahapon tungkol dun sa lulutuin namin sa next lab natin, tapos ang reply n'ya sa akin who you! Binura n'ya ata ang number ko."

"Nireplayan ka n'ya ng who you?" pag uulit n'ya.

Tumango lang ako tapos s'ya naman biglang natawa.

"Bakit ka tumatawa?" tanong ko.

"Eh kasi--" Hindi naituloy ni Vincent ang sasabihin n'ya dahil biglang dumating si Hell at umupo sa gitna namin. 

"Good morning Hell." bati ko pagkaupo n'ya sa tabi ko pero ni hindi man lang n'ya ako tiningnan, kay Vincent s'ya tumingin.

"Bakit ka nakangisi ng ganyan?" tanong ni Hell kay Vincent.

"Hahaha, 'Who you?' seriously? Haha! Ang childish nun dude! Or shall I say, it's so not cool dude, it's so not cool! Hahaha!" -Vincent.

"Ano bang pinagsasabi mo dyan huh? Stop imitating me, it's annoying." pissed na ang tono ni Hell.

Ano nga bang pinagtatawanan ni Vincent?

"Tinext mo si Ruth ng who you kasi-- ahahaha! Tinext mo s'ya kasi--ahaha!" Kasi ano? Kainis naman tong si Vincent tawa ng tawa ayaw pa ituloy! 

"Hindi ko akalaing itetext mo s'ya ng who you dahil lang sa hindi ka n'ya--aray! Para sa'n yun?!" Bigla kasing siniko ni Hell si Vincent sa t'yan.

"May lamok na dumapo sayo, pinatay ko lang." sabi ni Hell.

"Lamok? Eh bakit kailangang siko ang gamitin mo? Ang sabihin mo ayaw mo lang marinig ang katotohanang--aray! Anu ba! Masakit na!" Bigla na naman kasing siniko ni Hell si Vincent on the same spot.

"May lamok ulit." sabi lang ni Hell, makikipagtalo pa sana si Vincent pero dumating na yung Sir namin kaya natahimik na sila.

What's with them?

.

.

Ako na lang ang tao sa room kasi napaglinis ako ni Sir. Nung tinawag n'ya kasi ako para magbasa, hindi ko alam kung saan na ang babasahin ko kasi ang totoo hindi ako nakikinig, I was totally spacing out.

Matapos kong magligpit, mabilis na akong lumabas ng kwarto.

"Oi!" Napatigil ako sa paglalakad kasi may tumawag sa akin.

WHAT LOVE ISWhere stories live. Discover now