CHAPTER 31- Light Bulb

224K 5.2K 1.3K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is seeing a person in a different light.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 31- Light Bulb

MIKA's POV

Kakatapos lang ng klase namin. Naglalakad kami ni Rocket palabas sa exit ng Blue Note Building, nang biglang may sumigaw ng ganito mula sa likuran namin...

"May dance practice daw ang Star-X ngayon dun sa Auditorium! Pwedeng manood!"

Pagkatapos ng malakas na sigaw na yan, takbuhan na ang kasunod. Expected ko ng makikitakbo si Rocket, pero di ko akalain na hihigitin n'ya ako kasama n'ya!

Hingal na hingal kaming dalawa pagtigil namin sa harapan nung Auditorium na located malapit sa Yellow Crown Building (Building ng Idol Dept.).

"Tara na ulit Mika!" Hihigitin na sana ulit ako ni Rocket patakbo sa loob, pero hindi ako nagpahigit.

"Dito na lang ako," sabi ko.

"Bakit Mika? Ayaw mo bang makitang sumayaw si Night?"

"Gusto, pero--"

"Yun naman pala eh, wag ka ng mahiya, marami naman tayong manonood, tara na!"

Tuloy-tuloy na n'ya akong hinigit papasok sa loob. Wala na akong nagawa.

Haay, hindi ko nasabi kay Rocket yung nangyari sa amin ni Night nung isang gabi, wala tuloy s'yang alam. Gusto kong makita si Night, sobra, pero hindi ko sure kung s'ya ba, gusto pa akong makita.

Pag dating namin doon sa loob, nagpapractice na ang Star-X ng dance steps sa stage, pero wala pang tugtog. Nagbibilang palang sila kasabay nung dance instructor.

Kabadong-kabado talaga ako pagpasok namin, dahil di ko alam kung anong expression ang dapat kong ipakita kung sakaling magkaharap kami ni Night, pero nakahinga ako ng maluwag dahil malayo ang kinalalagyan namin mula sa kung nasaan sila. Sa dami ng fangirls na nanonood, mukhang malabong makita ako ni Night. I felt relieved, but sad at the same time. Gusto kong makita n'ya ako, na parang ayaw ko rin.

Ilang minuto ang makalipas, pumunta na yung dance instructor sa tabihan nung stage. Nakapwesto na ang Star-X sa dapat nilang pwestuhan, with Night on the center front. Noong magsimulang magplay yung tugtog, at magsimulang sumayaw yung tatlo, imbis na isang auditorium, parang nagmistulang concert hall yung paligid. Sa lakas ng sigawan nung mga babaeng katabi ko, including Rocket na puro Air I love you ang bukang bibig, aakalain mo talagang may concert sa loob. Well, hindi na ako magtataka, kahit naman kasi simpleng t-shirt at jeans lang yung suot nung tatlo, yung performance naman nila, pang concert na ang level eh. Ang swerte talaga naming mga Hoshi students kasi napapanood namin sila ng libre.

Matapos ang isang pasada ng sayaw (na halos makaubos hininga), pinagbreak muna nung dance instructor ang Star-X. Noong bumaba sila sa stage, pinagkaguluhan sila ng mga fans. May dala-dalang album ang mga ito, at nag-uunahan sa pagpapapirma. Kasama dun sa mga fans na yun si Rocket. Tiniis n'yang wag mag lunch ng ilang araw para lang makabili s'ya nung bagong album na yun.

Dahil wala naman akong papapirmahan, at dahil natatakot akong makaharap si Night, pinagmasdan ko na lang sila sa malayo, di na ako nakigulo. Kaso biglang inawat na nung mga staff yung nagkakagulong fans para bigyang daan ang Star-X, and before I knew it, they were heading towards me!

I swear gustong-gusto ko ng tumalikod, pero the thing is, sa sobrang panic at kaba ko, hindi ako makagalaw. Para bang nakalimutan ko bigla kung paano maglakad.

WHAT LOVE ISWhere stories live. Discover now