CHAPTER 76- School Fest! [Day 6: 'Hours before the plane leaves'(1)]

10.4K 607 644
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is something you end up carrying anyway, even if you don't remember ever packing it in your luggage.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 76- School Fest! [Day 6: 'Hours before the plane leaves' | Part 1]

MIKA's POV

Bandang alas otso nang umaga nang tawagan ako bigla ni K. Hindi pa ako natutulog simula kagabi (dahil sa pagiging officially dating namin ni Hell), kaya nasagot ko agad 'yung tawag.


"Hello?"


"Sausage, magbihis ka. Daanan ko kayo ni Dark in 10 minutes."


"Wow. Gano'n-gano'n na lang 'yon? 'Di man lang magtanong muna kung willing ba akong sumama?"


A pause from his side. Mabilis lang.


"Sausage, lalabas kami ni Dark. Sasama ka ba o hindi?"


"Sasama," sagot ko almost immediately. Halos mag-abot 'yung tanong niya at sagot ko. Gano'n kaliit pagitan.Traydor ng bibig ko, kainis!


"See?" sabi niya, sabay tawa. 


Gusto ko siyang batuhin ng tsinelas pero paano mo babatuhin ng tsinelas ang nasa kabilang linya? Kaya naman, sinigawan ko na lang siya.


"Ang laki talaga ng ulo mo!"


"Dalawang ulo 'yung naisip ko. Alin do'n?"


"Walangya ka!" Napabangon ako mula sa kama. Gusto kong pulutin 'yung tsinelas kong nasa baba ng kama at ibato sa kaniya 'yon kahit alam kong 'di naman siya tatamaan. "Bastos!"


Pinagtawanan lang ako ng walangya as usual.


"Pero seryoso, magbihis ka na. 'Pag nadatnan kitang hindi pa bihis, iiwan ka namin ni Dark," sabi niya sabay baba ng phone. Hindi man lang ako hinintay sumagot.


May parte sa aking gustong magrebelde at 'di sumama at 'di magbihis. Pero... in the end, dumiretso ako sa tapat ng cabinet at kumuha ng pamalit na damit.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

(K)NIGHT's POV

(K)NIGHT's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
WHAT LOVE ISWhere stories live. Discover now