CHAPTER 27- Prince Charmings & Fairytales

268K 5.7K 2.2K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love makes you feel like you're inside a fairytale.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 27- Prince Charmings & Fairytales

MIKA's POV

FRIDAY

Naglalakad ako pabalik ng Blue Note Building galing sa Computer Building kasi nagresearch ako dun for our assignment, when someone called me on the way there...

"Ruth!" Lumingon ako sa paligid, at nakita ko si Vincent sa likuran ko... at kasama n'ya si Hell. Nagwawala na naman tuloy bigla yung puso ko gaahd!

Lumakad ako palapit sa kanila.

"Bakit?" tanong ko kay Vincent. Sumulyap ako ng konti kay Hell pero iniwas lang n'ya ang tingin n'ya sa akin, suplado T^T

"Nakuha mo na ba yung gown na isusuot mo sa ball?" tanong ni Vincent.

"Huh? Ah oo, kakakuha ko lang kanina. Iniwan ko muna sa locker ko." (Kaninang umaga ko lang to nalaman from Rocket, pero pag pala nakakuha na ang isang babae ng heart stone mula sa isang guy, ipipresent mo lang yung heart stone sa Faculty ng building n'yo, and pwede ka ng magrent ng gown of your choice for free! Yun nga lang, unahan, malas yung mga mahuhuling makakuha ng date kasi napagpilian na yung makukuha nilang gowns.)

"Bakit mo natanong Vincent?"

"Ako kasi yung magrerent nung coat and tie namin ni Hell, itatanong ko lang sana kung anong kulay nung damit na napili mo, para imamatch ko yung tie n'ya dun sayo."

"Ah ganun ba? Kulay white yung gown ko."

"Oh okay, that's good, so any color would do I guess."

"Ahm, yun lang ba ang sasabihin mo? May klase pa kasi ako eh."

"Yep yun lang ang sasabihin ko."

"Okay aalis n--"

"Yun lang ang sasabihin ko pero may isang rason pa kung bakit kita tinawag."

"Huh?"

"In behalf of someone na kasabay kong naglalakad sa likuran mo kanina na halata namang gusto kang tawagin pero hindi ka magawang tawagin, eh ako na yung tumawag sa'yo kasi he looked too damn pitifu--aray Hell!" Biglang siniko ni Hell si Vincent.

"What the f*ck are you saying?" sigaw ni Hell kay Vincent.

"I'm just telling her the tru-- aray! Aray Hell masakit na aba!" Siniko na naman kasi ni Hell si Vincent.

"Pag hindi ka pa tumigil, aattend ka ng ball na may black eye sinasabi ko sa'yo Tan."

"Sabi ko nga titigil na ako eh. Pero dude--"

"Hey!" Natigil si Hell at Vincent, nang may sumigaw n'yan, napatingin kaming tatlo doon sa sumigaw.

Agad akong napatago sa likuran ni Hell nang hindi nag-iisip nang makita kung sino yung sumigaw.

"Hey flat tops, you wanna die?" pagbabanta sa akin ni Hell, agad akong napabitaw sa t-shirt n'ya. Ayaw n'ya nga pala ng hinahawakan s'ya T^T

"Bakit ka nagtatago d'yan Ruth?" tanong sa akin ni Vincent.

"S-s'ya kasi yung president ng discplinary committee diba? S'ya yung nagdala sa amin noon sa guidance office kaya medyo natakot ako. Akala ko may violation na naman akong nagawa tapos huhulihin na naman n'ya ako."

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon