CHAPTER 70- 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1

86.9K 2.4K 1.7K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is like a ticking bomb. It's awfully quiet, until... it's done counting down to 1.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 70- 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1

[ S A T U R D A Y : 9 DAYS LEFT BEFORE THE SCHOOL FESTIVAL ]

MIKA's POV    

"So, sinong kakanta nitong Love Letter, jerk?" tanong ni Rocket kay Ace matapos nitong i-announce na 'yung lyrics na pinasa ni Ivan kay Shield kaninang madaling araw ang piyesang gagamitin namin for the Battle of the Bands. "Si Mika ba, o ikaw?"

"Wala sa amin, bitch," sagot ni Ace, na may kasama pang nagmamataas at nagmamalaking isang over-confident na ngiti. 

"Ha? E kung gano'n, sino?"

Binaling ni Ace ang tingin kay-- Ivan (na for some reason 'e parang pasan-pasan sa balikat n'ya ang mundo simula nang i-announce na 'yung lyrics n'ya ang gagamitin). "'Yung mismong gumawa ng lyrics ang pakakantahin natin this time."

Napatigil sa paglipat ng page ng binabasa n'yang libro si Ash.

Nailaglag ni Shield ang hawak-hawak na notebook.

Parang napa-tae na sa pwesto ang kanina pang mukhang natataeng si Ivan.

"Eeeeeeh?!" sabay naming sigaw ni Rocket.    

"U- Ultimate Master... na-nagbibiro ka lang 'di ba?" sabi ni Ivan kay Ace.

"Oo nga! Ano bang sinasabi mo! Wag ka ngang mag-joke! 'Di bagay sa'yo!" sabi naman ni Rocket.

Pinag-taasan silang dalawa ni Ace ng kilay, na simahan ng signature expression n'yang 'blangko pero at the same time parang nang-iinsulto at nang-mamaliit na tingin'. "Nakita... o narinig n'yo na ba akong mag-joke... kahit minsan?"

Sabay na umiling si Rocket at Ivan.

"Then there goes your answer," sabi ni Ace.

Bago pa nakarecover si Ivan at si Rocket from the burn, este, the shock, nakataas na ng hagdan si Ace at nakapasok na sa sarili nitong kwarto. 

Tinangka ni Rocket at Ivan na puntahan si Ace sa kwarto para kausapin, hingan ng explanation, pero ni hindi nagawang pihitin ng dalawa ang doorknob ng pinto. Paano, may nakalagay kasi sa pintuan nitong, 

"Busy sa paggawa ng tono. Pag may nagbukas nitong pinto, ALAM N'YO NA."

May naka-tape na ganyang sign sa pinto ng kwarto ni Ace. Red marker pa ang gamit na pangsulat.

Ang 'ALAM N'YO NA' na sinasabi n'ya doon sa sign e mag-baback-out s'ya sa pagli-lead sa amin for the contest, kaya ayon, wala talaga sa aming nagtangkang magbukas ng pinto, kahit na lahat kami curious at gustong humingi ng explanation kung bakit si Ivan ang napili n'yang vocalist for the coming Battle of the Bands.

 XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

HELL's POV

"Hell! Gising n-- e? You're still at your desk? Natulog ka man lang ba?" 

I rotated my chair to look at him.

"Do I look like I slept?"

"Sa- sabi ko nga."

I was about to rotate back towards my original position when he talked again.

"What about school? Hindi ka papasok ngayon? May klase ka nang 8 AM, 'di ba? 7 na."

WHAT LOVE ISWhere stories live. Discover now