CHAPTER 42- Two-timer

220K 5.6K 1.6K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love can sometimes be deceiving; love sometimes, double-crosses you.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 42- Two-timer

MIKA's POV

Kakatapos lang ng Preliminary Exams nila Vincent. Dahil mataas ang markang nakuha nilang dalawa ni Hell, nag-aya si Vincent na magcelebrate sa isang bar. Dinaanan nila ako ni Hell sa apartment at sapilitang pinasama sa kanila. Well, si Vincent lang ang namilit sa akin, basta na lang n'ya akong hinigit pasakay sa kotse n'ya pagkalabas ko ng gate ng apartment namin.

Hindi man ako nakapanood ng dance performance nila dahil mga Dance Dept. students lang ang allowed manood, masaya akong malaman na parehong mataas na marka ang nakuha nilang dalawa ni Hell. Sigurado akong ang ganda ng performance nila, dahil nung napanood ko ang practice ng grupo nila, nanindig talaga mga balahibo ko.

Nasa dance floor si Vincent ngayon, enjoying himself habang nakikipagsayaw sa mga seksi at makikinis na babae. Kami naman ni Hell, nakaupo lang, parehong umiinom ng juice, hindi umiimik. Hindi naman kasi ako fan ng mga bars. Actually, ito ang first time ko to ever enter one. Si Hell, hindi ko alam kung madalas s'yang mag bar, pero one thing is for sure, hindi s'ya nag eenjoy ngayon. Bored na bored ang itsura n'ya habang iniinom ang juice n'ya. 

Biglang nilapag ni Hell ang juice n'ya sa mesa, "Lalabas muna ako," sabi n'ya.

"Okay," sabi ko, pero ayokong umalis s'ya. Ayokong umupo ng mag-isa dito sa mataong lugar na 'to.

Tumalikod na si Hell, at nakahakbang na ng isa, pero bigla s'yang tumigil tapos humarap sa akin, "Gusto mong sumama?" sabi n'ya. 

Nagulat man ako sa tanong n'ya, nagawa ko namang tumugon, "Paano si Vincent?"

"Malaki na s'ya, kaya na n'ya ang sarili n'ya. So ano nga, sasama ka ba?"

"O-oo, sasama ako sa'yo." Agad na akong tumayo at sumunod kay Hell palabas ng bar. Habang naglalakad ako sa likuran n'ya, hindi ko mapigilang ngumiti. Yung dating Hell, siguradong lalabas lang basta ng bar ng hindi nagpapaalam man lang, pero itong Hell na 'to ngayon, nagsabing lalabas s'ya, at tinanong pa ako kung gusto kong sumama. Ang laki na ng pinagbago ng pakikitungo n'ya sa akin.

Nagpunta kami ni Hell sa isang park, ilang blocks ang layo mula doon sa bar na pinanggalingan namin. Nakaupo ako ngayon sa isang bench, nakaharap sa isang malaking fountain. Hinihintay ko si Hell na dumating, bumibili s'ya ng pagkain namin. Somehow, it feels like we're on a date. Although, I think, ako lang ang nag-iisip noon.

Pagdating ni Hell sa harapan ko, inabutan n'ya ako ng Korean cup noodles, may mushroom at sili na nakadrawing sa container. Ayoko ng maaanghang na pagkain, pero hindi ko nagawang sabihin 'yon kay Hell.

Tahimik na umupo si Hell sa tabi ko, agad na pinaghiwalay yung chopstick na kasama nung noodles, at nagsimulang kumain. Mukhang mahilig si Hell sa spicy food, mukhang sarap na sarap kasi s'ya. Ako naman, on the other hand, tinititigan ko lang yung noodles na hawak ko. Orange na orange yung sabaw nung noodles, amoy palang parang sobrang anghang na huhu.

"Bakit hindi ka kumakain? Ayaw mo ba n'yan?" 

"Ah hindi, pinapalamig ko lang ng konti, medyo mainit pa kasi." Hindi ko alam kung bakit yan ang sinabi ko, siguro, ayoko lang sayangin yung effort ni Hell. Medyo malayo yung convenience store na binihan n'ya nitong noodles eh, sayang kung hindi ko kakainin.

Binuksan ko yung coke in can na nasa tabi ko. Lumunok muna ako at saka sumubo nung noodles. Masarap, pero sobrang anghang. Maiiyak ako sa anghang. Agad akong uminom ng soft drinks pagkasubo ko. Pinilit kong kainin yung noodles hanggang sa sipunin at maluha na ako dahil sa anghang.

WHAT LOVE ISWhere stories live. Discover now