CHAPTER 6- Unpredictable

322K 5.6K 777
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is... unpredictable.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 6- Unpredictable

MIKA's POV

"Ugh! Huhuhu. Kung mahirap ang Accountancy kong course dati, mas mahirap pala to! Huhuhu! Sasabog na ang utak ko!" As usual kinakausap ko na naman ang sarili ko. At as usual pinagtitinginan na naman ako ng mga tao sa paligid ko probably thinking how weird I am.

Nandito ako sa study area ng Academic Building na mukhang lounge lang ng Hotel, ang upuan mo kasi sofa na mukhang human size pillows. Naka indian seat lang ako habang nakapatong yung bag ko sa lap ko. Nag iisip kasi ako ng lyrics. Oo, lyrics. Ito kasi ang assignment na iniwan sa amin nung striktong teacher namin sa Creative Singing 101, oo may subject kaming ganun. Bukod dito sa lyrics, pinoproblema ko rin yung isa pang assignment namin sa Composing 101, eh kasi ang assignment namin dun, gagawan namin ng bagong tono ang isang kilalang song of our choice, ang hirap kaya mag-isip ng tono! T_T Idagdag pa yung frustration ko dahil ang hirap palang magplay ng guitar, may subject kasi kaming Instruments 101, kung saan pipili ka ng instrument na pag aaralan mong tugtugin, hahays. Sasabog na talaga ang utak ko sa dami ng dapat intindihin.

Bukod sa mga assignments and lessons na kailangang intindihin sa Talent Developing subjects namin, ang isa ko pang pinoproblema ay yun ngang singing performance namin laban sa group nila Crizel Idol, hanggang ngayon kasi hindi parin magkasundo-sundo ang group namin. Sobrang gulo lage sa apartment, lageng may riot kaya dito na lang ako sa school nag-iisip at gumagawa nitong lyrics, dito lang kasi natatahimik ang buhay ko.

"Haay, hindi ko alam na ganito pala kahirap gumawa ng lyrics para sa isang kanta. Kung anong dinaling kumanta, s'ya namang hirap gumawa nun. Title pa nga lang hirap na hirap na ako, eh sabi ni Sir basta may title ka madali na daw darating ang ideas, eh paano kung wala ring maisip na title? Huhu, patay talaga ako nito." Sumubsob na ako sa notebook na sinusulatan ko ng kung ano-anong lyrics na maisip ko, na buburahin ko lang din naman after kasi ang panget at hindi ko gusto.

"Hindi! Kaya ko to! Makaka isip rin ako tiwala lang!" Mabubuhayan ako tulad nyan pagkatapos ng ilang segundo, pero tutunga lang naman ako ulit sa kawalan, tapos ilang segundo, balik na naman ako sa pagsasulk at paghihimutok sa sarili ko.

Para akong halaman na malalanta tapos mabubuhay tapos malalanta muli, pabalik balik lang na ganun hanggang sa...

*ten ten ten ten *ten ten ten ten

Narinig ko ng tumunog yung cellphone ko. Inalarm ko kasi yun para maremind ako na time na para sa sunod kong klase. Home Economics na ang subject ko at makikita ko na ulit si Hell. Excited akong makita sya na natatakot rin, hindi ko kasi alam kung anong emosyon na naman ang ipaparamdam n'ya sa akin. He is so hard to define, ang hirap basahin, pero gusto ko talaga s'yang mas makilala.

Inilagay ko na yung notebook ko at tumayo na mula sa pagkakaupo para pumunta sa sunod kong klase pero kakahakbang ko palang ng isa, bigla akong napatigil. Hindi ako bigla makagalaw. Eh kasi naman... kasi naman... huhu! Nangingime yung binti ko! Yes, parang may mga maliliit na karayom na sabay sabay tumutusok sa binti at talampakan ko na pag iginalaw ko ng konti, nakakakiliti na masakit na parang kinukuryente ganun. Bunga siguro to marahil nung pagkaka upo ko!

Gusto kong gumalaw kasi para akong ewan dun na mukhang maglalakad pero nakatigil lang sa isang pwesto, kaso konting galaw ko talaga maiiyak ako sa sakit. Ayoko talaga ang pakiramdam na nangingime huhu T_T. Kaya kahit magmukhang ewan pa ako sa paningin ng mga studyanteng dumadaan sa tabi ko ayos lang, ayos lang sana kaso...

WHAT LOVE ISWhere stories live. Discover now