CHAPTER 74- School Fest! [Day 4: 'Performance in front of the gods']

12K 637 566
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love, like music,  is made... to entertain the gods.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 74- School Fest! [Day 4: 'Performance in front of the gods' | Opening]

MIKA's POV


♫♪ Even in my dreams you're still looking at the other way, it's unfair ♫♪


'To buy or not to buy?' tanong ko sa sarili habang nakatingin sa plushie ni Night na nag-iisa na lang do'n sa puwesto niya.


♫♪ Do you really need to be the type who can't help but be seen? ♫♪


Medyo pricey 'tong plushie para sa isang katulad ko pero kasi... ngayon lang naman ako bibili ng merch ni Night...


♫♪ The more I look away, the more I see you clearer ♫♪


"Sige na nga!" sambit ko sa sarili. I was about to grab the super cute Night Cervantes plushie pero may bigla na lang kumuha no'n bago ko pa nagawa! 


Naunahan ako ni kuya! HUHU.


♫♪ The more I close my eyes, the more you appear in front of me ♫♪


With the Night plushie taken away, lumipat na lang ako ng tingin sa ibang merch. This time, do'n naman sa standee ni Night na kasing tangkad ko. 


Sa totoo lang, ito ang pinakaunang nakakuha ng atensyon ko pagpasok ko pa lang dito sa booth ng StarX merch, pero kasi naisip ko puro pang-aasar lang ang aabutin ko mula kay K 'pag nakita ng walangya na meron akong standee niya sa kwarto ko. Kahit pa sabihin kong si Night 'yon at hindi siya, sigurado akong lolokohin pa rin niya ako! Kaya nga I settled on the Night plushie... ang kaso lang, naunahan na nga ako ni koya whoever he is huhu T^T


♫♪ You always say 'love is blind', so why? ♫♪


Tinanong ko kay ate na nagtitinda 'yung presyo no'ng standee.  


Pagkasabi niya kung magkano, napanganga ako. 


Gaahd, doble no'ng presyo no'ng plushie? I mean inexpect ko nang mas mahal, pero hindi gan'to!


♫♪ Why do I see you even without looking? ♫♪


Bibilhin ko pa rin ba?


First merch ko naman 'to e... So pikit mata na lang? 


"Sige na nga!" sambit ko sa sarili.  I was about to grab the standee pero again may bigla na lang kumuha no'n bago ko pa nagawa! Naunahan na naman ako ni kuya! HUHU. And he's the same kuya from before! 

WHAT LOVE ISWhere stories live. Discover now