CHAPTER 57- I Don't Mind

257K 6.6K 5.7K
                                    


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love means never forgetting.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 57- I Don't Mind

KNIGHT's MEMORY BOX

"Hanggang kailan mo 'ko balak titigan?" tanong ko kay Flare.

"Hindi ko talaga maintindihan," sabi n'ya (nakatitig parin sa akin), "kahit saang anggulo, mas gwapo talaga ako sa'yo. Pero bakit gano'n? Bakit ikaw ang may pinakamalaking fanbase sa ating tatlo? Bakit ikaw ang may pinakamaraming sulat at regalo?"

Ugh, heto na naman kami. Kasalukuyan kaming nasa isang Music Awards' night ngayon pero parang pagpapasakit sa ulo ko ata ang pinunta dito nitong si Flare.

"Sa'yo na lahat ng fans, sulat, at regalo ko kung gusto mo," sabi ko. "Tantanan mo lang ako."

Bahagyang natawa si Air sa sinabi ko.

Sinamaan ni Flare ng tingin si Air. "Akala ko ba magkakampi tayo?"

"I don't remember siding with anyone."

"But you think it's unfair too, right? Mas gwapo tayong dalawa kaysa kay Night pero s'ya ang pinakasikat sa ating tatlo. S'ya ang may tv commercial, s'ya ang may billboard, s'ya ang may pinakamalaking fans club. Unfair."

"There's nothing unfair about it. In fact, that's to be expected." Binaba ni Air sa table ang hawak na libro, hudyat na may trivia na naman s'yang sasabihin. "Ayon sa survey na nabasa ko kailan lang, majority of women, when asked who has the highest sex appeal among these three types of guys: the silent gentleman type, the charming playboy type or the mysterious bad boy type, seventy eight percent answered the mysterious bad boy type. Sa ating tatlo, sino bang mysterious bad boy type ang image?"

Sumimangot si Flare at tinuro ako.

"Sa isang band, ang lead vocalist naman talaga lagi ang pinakasikat. Sa isang play, ang lead casts naman talaga ang pinakatumatatak. Night's the leader of our group, it's just normal that he's the one getting more attenti--"

"Oo na. Oo na," pagputol ni Flare kay Air. "Tumigil ka na fanboy ni Night."

"I'm not his fanboy. I'm just stating fac--"

"And the winner is Star-X!"

Natigil sa pagsasagutan 'yong dalawa noong tumutok sa table namin ang spotlight. Walang tigil na "Congratulations" at palakpakan mula sa kapwa naming artists ang natanggap naming tatlo.

Oozing with pride, sabay-sabay kaming tumayo at naglakad papuntang stage.

Star-X na naman ang nakakuha ng top spot sa Nationwide Music Hit Chart para sa buwan na 'to. Kami na naman ang panalo. Kami na namang Star-X ang number one. Pangwalong sunod-sunod na panalo na 'to. It hasn't been a year since our group debuted but we're slaying charts, winning awards here and there. In just a small period of time we have accomplished so much. No wonder they call us 'Demon' rookies.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Malalim na ang gabi nang makarating ako sa unit ko. A condo unit situated inside the most expensive and luxurious condominium in the country.

Pagbukas na pagbukas ko ng pinto, ang bagong billboard ko kung saan suot-suot ko ang isa sa pinakamamahaling piece ng isa sa pinakasikat na clothing line sa bansa ang agad na sumalubong sa akin. Kitang-kita 'yong billboard mula sa malaking glass window sa living room.

WHAT LOVE ISWhere stories live. Discover now