CHAPTER 24- Temporary Happiness

330K 6.2K 1.5K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is still wanting to make that someone happy, even if all he does is cause you pain.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 24- Temporary Happiness

HELL's MEMORY BOX

"Ipapakita ko sayo kung gaano kasarap mabuhay." Noong ibulong sa akin yan noong pakialamerang babae, natigilan na lang ako at natulala. Hindi ko alam kung bakit hinayaan ko na lang s'yang higitin ako noon palabas ng hotel. Hindi ko alam kung bakit hinayaan ko s'ya noon na gawin ang gusto n'yang gawin sa akin. (Lage na lang n'yang nagagawa ang gusto n'yang gawin sa akin. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung bakit ba lage ko na lang s'yang hinahayaan.)

Dinala ako ng babaeng yun noon sa isang malapit na mall...

"So ito na yun? Ito na ang meaning ng masarap na buhay sayo? My family could buy me my own mall. You're wasting my time, aalis na a--"

"Teka! Wag ka munang umalis! Hindi pa ako nagsisimula! Tara dito!" Hinigit n'ya ako papasok ng isang elevator. 

Ang daming tao sa loob, siksikan, lalo na nung dumating sa 2nd floor, ang daming sumakay! Naipit nga kami sa gitna! Hindi ko maintindihan kung anong trip ng babaeng to at nag elevator pa, eh mukhang mas madali ang buhay namin kung nag escalator nalang kami, tutal ang sabi n'ya sa third floor lang naman kami pupunta eh!

"Hoy ano ba--" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil...

"Ehem!" bigla s'yang gumanyan ng malakas, napatingin tuloy yung mga taong kasama namin sa elevator sa aming dalawa! Sa aming dalawa, kasi nakalingkis ang babaeng yun sa braso ko!

"Hoy ano bang--" Hindi ko na naman natuloy ang sasabihin ko dahil sumigaw s'ya ulit...

"Pinatawag ko kayong lahat dito, para sa isang mahalagang pagpupulong! Ang paksa ng pagpupulong ngayong araw, ay tungkol sa manok at itlog! Mga kapatid, ano nga ba talaga ang nauna? Manok o itlog? Itlog o man--oy teka! Teka hindi pa ako tapos!"

Hindi ko na kinaya yung kahihiyan dahil hindi lang kami pinagtitinginan nung mga tao sa elevator, yung iba natatawa na, kaya naman hinigit ko na yung babaeng pasaway pagkabukas na pagkabukas noong pinto ng elevator. Hinigit ko s'ya at kinaladkad as fast as I can para hindi matandaan ng mga kasama namin doon sa elavator ang mga mukha namin!

Hingal na hingal ako pagkatapos naming tumigil noong pasaway na babae.

"Nasisiraan ka na ba? Ano yung ginawa mo dun?" sigaw ko dun sa babae.

"Hahaha! Hahaha! Nakita mo ba yung mga itsura nila? Hahaha! Priceless!" Halos maiyak na s'ya sa sobrang pagtawa.

"Siraulo ka! Hindi ka ba nahihiya dun sa ginawa mo?! Hindi nakakatawa yun!"

"Hahaha! Ang tagal ko ng gustong gawin yun eh! Ang sarap sa feeling na nagawa ko na! Haha! Hindi ka ba nag enjoy?!"

"Enjoy mo mukha mo! Aalis na ako!" Lumakad na ako palayo sa kanya.

"Oi teka! Wag kang kj! Di pa ako tapos! Tara dun!" Hinigit naman ako nung pasaway na babae papunta naman sa escalator. Pababa naman kami ngayon! Ano bang trip ng isang to? Sumakay kami ng elevator pataas, tapos ngayon sasakay naman kami ng escalator pababa?

Ang dami mang tao na pasakay sa escalator eh nakipagsiksikan na naman kami!

"Hoy ano bang--"

"Shhh... masaya to," sabi lang n'ya habang ang laki ng ngiti. Ano na namang binabalak ng isang to?

WHAT LOVE ISWhere stories live. Discover now