CHAPTER 73- School Fest! [Day 3: Track 1]

18.5K 776 785
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is... bingsu and korean fried chicken <3

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 73- School Fest! [Day 3: Track 1]

MIKA's POV


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

From: Catalyst V

Ruth, dito na me :'>

Ready ka na?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Nakaupo ako sa living room nang makareceive ng text mula kay Vincent.


Day 3 ng school festival today, at pupunta ako do'n ngayon kasama siya.


Oo, siya lang kasama ko. Hell's not coming with us, unfortunately. In total isolation kasi siya buong araw, busy preparing for 'war', 'yun ang sabi ni Vincent sa 'kin.


By war, he means, 'yung laban na sasalihan ni Hell tomorrow. 'Yung contest kung saan pinaka maraming investors ang inaasahang pupunta para manood.


According to Vincent, nagbago raw kasi bigla ang plans ni Hell para sa performance niya, pati ang kantang kakantahin nito, forcing him to start everything from scratch. Nagising daw siya kaninang madaling araw seeing Hell scrapping the 'drawings' and music sheet na gagamitin daw dapat nito sa performance, telling Vincent he thought of a better, cooler plan. And thus, he'd be in total isolation the whole day and won't be able to come watch Vincent and Caution's performance :( Kalungkot lang na hindi ko siya makakasama today, pero naiintindihan ko naman :(


Inaya ko mga kasama ko sa bahay pero wala sa kanilang gustong sumama. Kaya eto, kami lang tuloy ni Vincent ang pupunta sa fest. Medyo sad, pero okay lang. Given na ang gloomy ng mga kasama ko sa bahay for some reason, going out with Vincent today is a breath of fresh air.


"Hi, Ruth! Cute mo ngayon a. Parang ang sarap mong i-hug. Mukha kang teddy bear," bati niya. Ni Vincent. Nadatnan ko siyang nakasandal sa may pinto ng sasakyan niya paglabas ko.


"'Di ka nakasuot ng onesie? Ano ba yan, hinuhulaan ko pa naman kung anong isusuot mo," sabi ko.


Nakasuot kasi ako ng onesie, pastel pink na teddy bear na may violet bow tie samantalang siya, hindi.


'Onesies' ang required na costume para makapasok sa venue today. Nirentahan ko 'yung pinaka cute among the pinaka mura.


Since 'di naman kj si Vincent and because it's his department's day (Dancing Department) akala ko talaga magsusuot din siya ng onesie, pero hindi pala. Nakasuot siya ng casual clothes ngayon. I feel betrayed. 


"Walang seseryoso sa performance namin kung nakasuot kami ng ganyan kaya sorry, Ruth. Marami ka namang kasamang nakasuot ng ganiyan pagdating natin sa fest kaya okay lang 'yan."

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon