CHAPTER 46- RAIL

269K 6.2K 3.5K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is... wait, what? But...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 46- RAIL

MIKA's POV

Nasa Academy na ulit ako. Ako lang, hindi kasama si Night. Hindi s'ya sumama sa akin pabalik eh. Sabi n'ya, magpapakita na daw s'ya sa manager n'ya. Medyo naaawa na daw kasi s'ya dito pati narin sa mga kamiyembro n'ya sa Star-X. Although mamimiss ko s'ya, I think what he did is for the best. The best para sa kanya, at para sa career n'ya. 

Anyway, kadarating ko lang sa klase ko ng Home Economics. Nakaupo na sa kani-kanyang upuan sila Hell at Vincent noong dumating ako.

Pagkaupo ko, binati ko sila as usual.

"Good morning Vincent. Good morning Hell." 

Hindi nagrespond si Hell sa bati ko. He didn't even bother looking at me. Straight face lang s'yang nakatingin sa hawak na libro. Typical Hell, sanay na ako. Vincent on the other hand...

"Good morning Ruth!" Vincent responded excitedly. That's a good sign. Mukhang in high spirits na ulit s'ya. Okay na ba sila ni Hell kaya mataas na ulit ang energy n'ya?

"Kamusta ang long weekend? Umuwi ka ba sa inyo?" paguusisa ni Vincent.

"Oo umuwi ako. Actually ito na ata ang pinakamasayang--" Natigil ako sa pagkikwento dahil bigla na lang naglean si Hell sa desk n'ya in a way that's blocking Vincent from my view. I bended the opposite way, ganun din si Vincent para magkakitaan kami.

Inulit ko yung kinikwento ko kay Vincent.

"Oo Vincent umuwi ako. Actually ito na nga ata ang pinakamasayang weeke--" Pero natigil na naman akong muli sa aking pagkikwento dahil sumandal naman si Hell sa upuan n'ya in a way that's blocking Vincent from my view.

Nagrevert ako sa nauna kong posisyon, ganun din si Vincent para magkakitaan kaming muli, pero Hell leaned on his desk yet again! He blocked Vincent from my view yet again! Again, hindi na naman kami magkakitaan ni Vincent! Seriously, what's with Hell?

"What?" sabi ni Hell habang nagbabasa s'ya.

"Ha?" Mukhang para sa akin yun kaya nagrespond ako.

"Bakit ang sama ng tingin mo sa akin?" sabi n'ya kahit sa libro parin nakatingin.

Gusto kong sabihin na "Ah baka kasi kanina mo pang tinatakpan si Vincent habang nagkikwento ako!" pero...

"Ti-tinatry ko lang basahin yung title ng binabasa mong libro," yan ang sinabi ko.

Hindi na ulit umimik si Hell matapos'nun. Hindi ko na rin naituloy pa ang pagkikwento kay Vincent dahil dumating na 'yung Sir namin at nagsimula nang magklase.

Matapos ang klase, inaya ako ni Vincent na kumain sa canteen. Inaya ko si Hell pero hindi ito sumama.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

HELL's POV

Inaya ako nung Flat Tops na sumama sa kanila ni Vincent papunta sa canteen, tumanggi ako. Paano ba naman akong hindi tatanggi eh habang inaaya ako nung Flat Tops, binabantaan ako ng pesteng si Tan sa likuran n'ya na sumagot ako ng hindi.

Fvcking Vincent Tan, was he really serious about what he told me the other night?

Well, who cares. He can eat with her alone if he wants to. He can fall in love with her if he wants to. I don't mind. I don't mind at all.

WHAT LOVE ISWhere stories live. Discover now