CHAPTER 83- 'The Aftermath' | 2

7.7K 454 1.1K
                                    

CHAPTER 83- 'The Aftermath' | 2

Continuation...

MIKA's POV

Pagkatapos ng halos isang oras na biyahe, nakarating na rin kami do'n sa beach. An expensive looking one. Tipong mga rich kid lang ang may afford at makakapasok.


Sabi ni K, madalas daw ang Star-X dito, pati ibang mga kilalang idols at celebrities.


Sa bahay lang ako parati nag-cecelebrate ng new year's eve kaya akala ko gano'n din ang karamihan. I thought, konti lang madadatnan naming mga tao doon sa beach pagpasok namin. Pero, I guess, iba mag-celebrate mga mayayaman. Ang daming tao pagpasok namin!


People are partying. Drinking. Talking. Mostly people in their 20s tulad namin ni K. Pero meron ding mga medyo matatanda na. Ang daming foreigners.


The sun is almost setting nang mag-settle kami ni K sa isang lugar. Doon kami nagtayo ng tent malayo doon sa maingay na crowd, malapit sa dalampasigan. Nakaharap sa dagat.


Hindi ko alam kung he chose this spot in consideration of me and my broken heart, or dahil hindi siya ganoon kalaya pag maraming tao, I mean, for sure kasi maraming nakakakilala kay Night Cervantes dito.


Pagkatapos ma-iset-up ang tent, nagpaalam si K na aalis para bumili ng maiinom namin. Snacks lang kasi dala niya, walang inumin. Naiwan tuloy muna ako nang mag-isa.


Habang nakaupo sa buhangin, walang kasama, pinanonood ang dagat nang mag-isa, sa tuwing kukurap ako, nakikita ko si Hell. 


yung likod niya


How it turned away from me.


How it got further and further away after turning away...


Ganito  rin ba ang naramdaman niya noong Christmas eve? When I ran away from him and left him?


Kung nanatili ba ako noong gabing yon sa tabi niya... nanatili rin kaya siya?


Kung pinili ko kaya siya no'n... pinili rin kaya niya ako?


Kung...


Kung hindi ko siya iniwan...


hindi rin-


hindi rin kaya niya ako iiwan?!


Patulo na mga luha ko nang biglang naudlot yon dahil sa pagbalik ni K.


May kasama siya manong. Parang kaedaran ni Mi.


"Sino yang kasama mo?" tanong ko. Alam ko kasi bibili ng inumin ang sabi niya, di ko gets bakit di lang inumin dala niya pabalik.

WHAT LOVE ISWhere stories live. Discover now