epilogue | 'Homecoming' (4)

6.9K 379 449
                                    

Continuation...

MIKA's POV

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

from: K

yo. nasa labas na ko.

pabukas ng pinto

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Katulad kahapon, ni wala man lang siyang pa- 'good morning' muna. Mas lumala pa nga siya ngayon! Ni wala man lang pasabing on the way na. Nang mag-text, nasa bahay na agad! Kailan kaya 'to titigil maging siraulo?!


Nagdiretso ako sa tapat ng pinto kahit panay ang reklamo sa isip. Buti na lang talaga naisip kong magbihis nang maaga para ready na ako whenever he is! Kung sakaling hindi e'di tamang balikwas at panic na naman sana ako!


Pagbukas ko ng pinto, akala ko umuulan kahit maaraw. Pero, nang makita ko ang kabuuan ng lahat, napansin kong may hawak lang pala na hose ang walangya. Pinauulanan sarili niya ng tubig!


"Ano ginagawa mo?" tanong ko.


"Artificial rain," sabi niya. "Para pag ginawa 'tong movie, mas dramatic 'tong scene natin."


"Anong movie pinagsasasabi mo? Siraulo ka talaga!"


Tumawa siya. "Aba malay mo. You never know."


"You never know mo mukha mo! Patayin mo na nga yan!" sigaw ko, stressed, imbyerna umagang-umaga. "Magkakasakit ka niyan sa kalokohan mo e!"


Pinatay na nga ng siraulo yung hose at binitawan. 


Pagbalik niya sa tapat ko, medyo basa t-shirt niya pati buhok. 


"Tingnan mo! Basa ka na! Siraulo ka talaga. Madalas hindi ko talaga gets mga trip mo sa buhay."


Tumawa na naman ang loko. "May dala akong pampalit, don't worry. Pinlano ko 'to nang mga two hours since makita ko yung hose niyo kahapon. May dala akong extrang t-shirt, andito sa bag ko. Tara n-"


"Hindi!" Hinigit ko siya papasok ng bahay. "Magpalit ka muna't magpatuyo ng buhok!"


Hinigit ko siya tuloy-tuloy papunta sa living room, all the way papunta sa cr. Tinulak ko siya papasok no'n. "Magpalit ka! Bilisan mo!"


Sumunod naman siya. Ilang minuto makalipas ay lumabas siyang ibang t-shirt na ang suot. Basa pa rin ang buhok niya though.


"Okay, ngayon tara n-"


Hinigit ko na naman siyang muli. Pinaupo ko siya sa isang upuan. Kumuha ako ng towel at blower.


"Tungo," utos ko.


Walang imik siyang sumunod, tumungo.

WHAT LOVE ISTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang