CHAPTER 62- ROAD TO FINALS: Interlude | The Four and A Half Star (Part 3)

176K 4.4K 2.7K
                                    

Continuation...

MIKA's POV

Pagkatapos 'matulog' (pumasok) ni One sa kanyang ikatlong subject...

 "Sorry! Sorry talaga!"

"Babawi ako bukas! Sorry talaga!" 

Panay ang sorry sa akin ni One pagkababang-pagkababa n'ya ng tawag kay 'Ms. Jazz' (handler/manager n'ya). Special Class na kasi ang sunod n'yang klase, and it turns out, ito, hindi pala ako pwedeng sumama sa kanya roon.  

We can't risk any possibility of the performance leaking out Rhythm! Alam mo 'yan!

'Yan ang sabi no'ng si Ms. Jazz sa kanya sa phone no'ng itanong ni One kung pwede ba akong mag-observe sa kanya roon. Rinig na rinig ko 'yung sinabi kasi nakaloud-speaker.

'Yung Special Class na papasukan ni One, training slash rehearsals nila 'yon ng mga co-members n'ya para sa naka-set nilang debut stage performance early next year. Top secret ang details ng performance nila, no wonder na strictly no outsiders allowed.

Sobrang naiintindihan ko 'yong desisyon ng handler/manager ni One, promise! Pero, hindi ko parin mapigilang mafrustrate at madisappoint. Wala pa akong nakukuhang valuable data kay One tapos aalis na agad s'ya?! Tapos na agad 'yong day 1 ng observation ko?!

"One, ano... ahm... anong oras ba ang tapos no'ng special class mo? Baka naman pwede akong magresume ng pag-oobserve pagkatapos?"

"Nako, madalas inaabot kami nang hating-gabi pagpapractice e. Sorry talaga! Babawi nalang talaga ako sa'yo bukas."

'Sige, okay lang', gusto kong sabihin out of courtesy, pero hindi ko nagawa. Nakatulala lang ako sa kanya. Hindi maitago ang sobrang pagkadismaya.

Ilang beses binuka at sinara ni One ang bibig habang nakatingin sa akin, kinakapa siguro kung anong dapat n'yang sabihin. 

A couple of indecision later, tumingin s'ya sa cellphone, tapos...

"Ahm... malelate na ako kaya kailangan ko nang umalis. Ano... ahm... Ba- babye? Kita nalang tayo bukas ha? At ano, ahm, sorry ulit! Sorry talaga!"

Nagtatakbo na s'ya paalis matapos sabihin 'yan. Sincere s'ya, sobrang apologetic, pero mas sobrang nagmamadali. Hindi na s'ya si One na sobrang relaxed. I can clearly see how desperate and serious he is about attending this special class. Kung kailan naman di ko s'ya maoobserbahan 'saka s'ya tumino! Kaiyak!

Pag-alis ni One, 'yung posture kong parang isang matayog na punong nakatayo, biglang naging isang lantang halaman. 

Sobrang disappointed sa kinalabasan ng unang observation day ko, (na nauwi lang sa panonood kung paano matulog sa klase ang isang four and a half star), sasabunutan ko na dapat nang bongga ang sarili ko sabay diretso sa apartment para magmukmok-- 

pero...

*double slap!

Pinalo ko nang sabay ang magkabila kong pisngi. Sapilitang ginising ang nagiging negatibo ko na namang sarili.

"Wala kang time para madisappoint Mikaela!" sita ko sa sarili.

Sa dami ng nakalista sa listahan ko ng mga dapat gawin at tapusin, wala akong makitang available time para sa pagmumukmok. I have to do what I can right now. I have so many things to do and so little time. Every second is precious. I need to use it on productive things. Walang maitutulong sa grades ko ang pagmumukmok sa isang tabi!

Saglit akong tumigil. Huminga. Nag-isip. 

How will I use this precious time I have right now then?

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon