CHAPTER 7- Sudden

288K 5.3K 603
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is the sudden formation of smile on your face.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 7- Sudden

MIKA's POV

"Okay guys, eyes here! Magmimeeting na tayo!" sigaw ni Rocket habang nakatayo sa kama ni Ash. Nasa room kami ng mga boys. Kung bakit dito kami magmimeeting? Eh kasi si Ace, yung hot headed guy na nakakatakot tumingin, ayaw n'yang pumunta sa living room kaya kami na lang ang pumunta sa kanya T^T

"Hoy Ace! Tumingin ka dito!" sigaw ni Rocket sabay paltok ng unan kay Ace na nakahiga lang sa kama n'ya, natutulog ata.

"Ano bang problema mo babae?! Kung makatawag ka ng pangalan ko akala mo close tayo ah! Tss, panira ng tulog," sigaw ni Ace tapos bumalik na ulit s'ya sa pagtulog.

"Bahala ka nga! Akala mo kung sino kang paimportante dyan! Mananalo kami kahit wala ka! Tandaan mo yan!" sigaw ni Rocket, hindi na sumagot si Ace, buti naman. Akala ko kasi magsisimula na naman ang world war nilang dalawa eh.

So nagproceed na nga ang meeting namin kahit wala si Ace. Napag usapan naming magcocover kami ng isang kanta na gagawan namin ng bagong tono at rythymn. Kung ano yung kanta at kung sinong kakanta sa amin? Hindi pa namin napagbotohan, basta ang task namin ngayon ay humanap ng kantang magandang gawan ng cover. Yun lang muna ang napag usapan namin since may pasok pa kami sa Academic subjects namin. Hay sana talaga maging okay na ang group namin T^T

.

.

Fast forward...

Nasa Academic Building na ako ngayon, specifically sa Home Economics subject namin at may laboratory activity kami ngayon. Magluluto kami ng dish na best na nagdedescribe daw sa isang home. Yung pag natikman mo yung dish na yun, pamilya, love, warmth daw yung mararamdaman mo. Lutong bahay na may kasamang pagmamahal kung baga. Isang complete meal ang iluluto namin, may main course, dessert at soup. Dahil madalas ako ang taga luto para kila kuya sa bahay namin, marami na agad akong naisip na lutuin... excited na talaga akong magluto kaso...

"Ang activity na to ay by partner. Kailangan magkasundo kayo ng partner n'yo sa dishes na lulutuin. You can use all the ingredients provided. May oras yan guys kaya kung anong matapos n'yo, yun lang yung bibigyan ko ng grade." -Sir.

"Ah sir, paano po yun, wala pa po si Hell!" sigaw ko sa Sir namin. Oo wala pa si Hell, nandito na si Vincent pero wala pa s'ya T_T

"Then you have no choice but to wait for him. Pag hindi siya dumating, wala kang lab activity for today. Diba nasabi ko na yan? What your partner does affects you. Kaya nga sinabi kong choose your parner wisely Ms. I just wanna die," sabi nung Sir namin tapos dinala na nya kami sa katabing cooking room.

.

.

Nagluluto na silang lahat, ako naka upo at nakatunganga lang sa isang tabi T^T Nasaan na ba kasi si Hell? Bakit ngayon pa s'ya nawala? Excited pa naman ako kanina kasi akala ko makakapagluto ako ng kasama s'ya pero wala naman s'ya. Tinanong ko si Vincent kung bakit absent si Hell pero nginitian n'ya lang ako! Anong klaseng sagot yun? T^T

Ang bango ng niluluto ng mga kaklase ko! Nakakagutom! Medyo naglalaway na ako sa isang tabi when...

"Do you always look that stupid?" biglang may nagsabi sa akin n'yan kaya nabalik sa reyalidad ang naglalaway kong sarili.

WHAT LOVE ISWhere stories live. Discover now