CHAPTER 8- SUPERSTAR

314K 5.5K 733
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is like seeing a superstar up close... it leaves you breathless.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 8- SUPERSTAR

MIKA's POV

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaah!!" Nabulabog ako ng isang napakalakas na sigaw kaya agad akong napabangon sa kama at napatakbo palabas ng kwarto.

"Ano'ng meron? Ano'ng nangyari?!" sigaw ko sa naabutan kong naglulupasay sa saheg na si Rocket.

"Oo nga ano'ng nangyari?" tanong ni Ivan, napalabas din silang dalawa ni Ash sa kwarto nila dahil nga sa lakas ng sigaw ni Rocket.

"Si Air! Waaaaaaah! Si Air!" Tuloy parin sa paglulupasay si Rocket sa saheg.

"Ano'ng meron kay Air?"

"Yan! Tingnan mo ang nangyari dun sa posters ko ni Air na pinagdidikit ko sa bawat sulok ng apartment natin! Tingnan mo yan! Waaaaaaaah! Waaaaaaaaah!" Nagwawala na s'ya habang tinuturo sa amin yung posters ni Air na nagmukhang ermitanyong gurang, alien, monster, demon, ngayon dahil nilagyan yun ng doodles ng pentelpen.

"Ahahahaha! Ahahaha!" Napatawa kami nila Ivan.

"Hindi nakakatawa yan! Magsitigil kayo! Kung sinumang lumapastangan sa gwapong imahe ni Air ko lumabas na! Limited edition lahat ng posters na yan tapos lahat sinulatan! Aaaaaaaaah! Lumabas na talaga ang nagdoodle nyan! Ikaw Ash, gawa mo ba to? Umamin ka na! Asar na asar ka sa tuwing mababanggit ko sayo si Air! Wala ka ng sinabing maganda tungkol sa kanya!" sigaw ni Rocket habang dinuduro si Ash.

"Hindi ko matatagalan tingnan ang pagmumukha n'ya ng ilang minuto para lagyan yun ng doodle. Kung may gagawin man ako, yun ay punitin bawat poster na may pagmumukha n'ya." sagot ni Ash at pumasok na ulit sa kwarto nila.

"Okay lang yan Rocket, gusto mo bigyan na lang kita ng pictures ko? Mas gwapo ako kaysa dyan sa Air na yan," sabi ni Ivan, vain but still cute as ever, naka pogi pose pa s'ya. Kaso waepek ang cuteness n'ya kay Rocket, hindi lang s'ya pinansin nito at nagtuloy sa paghihimutok habang tinitingnan yung mga posters n'yang may sulat lahat ng pentelpen.

"Umagang umaga ang ingay nyo. Oh, bakit mo tinanggal yung artworks ko? Hindi mo ba nagustuhan ang ginawa ko sa posters mo? Pinaganda ko ng konti para hindi masakit sa mata," sabi ng kalalabas lang sa kwarto na si Ace, gulo-gulo pa ang buhok n'ya at humihikab pa.

Papasok na sana si Ace sa cr dala-dala ang towel n'ya nang, "Magbabayad ka sa ginawa mo sa mukha ni Air!" dinambahan ni Rocket si Ace mula sa likuran, sinakyan ito at pinagsasabunutan at pinagpapalo.

"Tigilan mo ko babae! Aray! Tigilan mo ko isa! Papatulan kit--aray!" sinasalag ni Ace yung mga palo ni Rocket pero mukhang natatalo s'ya nito sa lakas. Ganito pala ang effect ng super fangirl love, nagiging mas malakas ka pa sa lalaki!

Inaawat ko silang dalawa pero ayaw nila akong pakinggan. Pupunta na sana ako sa kwarto ng boys para humingi ng tulong kila Ash pero pagbukas ko ng pinto nung kwarto nila...

"Ang mukha ko! May galos ang mukha ko! Ang mukha ko!" Si Ivan yan, nagsisisigaw habang hawak hawak ang kaliwang pisngi n'ya, may galos ata.

"Wala pang namatay sa simpleng galos sa mukha, sa pagiging OA marami," side comment ni Ash habang naka upo sa kama n'ya, nagbabasa ng libro habang naka headset.

"Ano'ng sabi mo? Pag nagpeklat tong galos ko sa mukha ikamamatay ko yun!" sigaw ni Ivan, lumapit na s'ya kay Ash.

"Sana magpeklat." 

WHAT LOVE ISWhere stories live. Discover now