CHAPTER 45- You're right, I'm wrong. (Part 2)

249K 6.2K 3.7K
                                    

CHAPTER 45- You're right, I'm wrong. (Part 2)

CONTINUATION...

A couple of hours earlier...

NIGHT's POV

Madaling araw. Nagising ako at lumabas ng kwarto para magcr. Antok na antok pa ako.

Pagpasok ko sa cr, nakapikit akong tumapat sa inidoro. Habang nakatayo sa harap noon, bigla akong nagtaka. Hindi pa kasi ako umiihi pero nakarinig na ako ng tunog ng pagihi. Napamulat ako. Nakita ko sa tabi ko yung kuya ni Anti-fan (hindi ko lang alam kung sino sa kanila, yung Tyron ba o Tyrus) nakapikit s'yang umiihi. 

"Yo, good morning," bati ko.

Tumingin s'ya sa akin. "O, good morning Nathalie," bati n'ya sabay ngiti... pero pagkatapos, biglang nawala ang ngiti n'ya sa mukha.

Napaatras s'ya palayo sa akin. "Woah! Na-Na-Nathalie, a-anong ginagawa mo dito?!" sigaw n'ya, agad tinago ang dapat itago. 

Napatingin s'ya sa may 'ano' ko. "Woah! Ba-ba-bakit ka may ganyan?!" Mas napasigaw s'ya.

Ako naman ang napatingin sa 'ibaba' ko. Shit nakalabas pa nga pala! Ako naman ang nagtago ng dapat itago.

"Kuya ni Anti-fan, magpapaliwanag ak--"

"Woah! Ba-ba-bakit ganyan ang boses mo?! Bakit naging panlalaki?!" sigaw n'ya. Nakasandal na s'ya ngayon sa tiles ng banyo at nakahawak doon. Kada sigaw kasi n'ya napapaatras s'ya. 

"Ganito kasi yu--"

"Ba-bakla ka? Bakla ka Nathalie?"  Yung itsura n'ya at tono, parang maiiyak na, 'kala mo broken-hearted.

"Asa. Hindi ako bakla." 

Tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang paa, tapos mula paa pabalik sa ulo.

"Pe-pero may ano ka! May ano ka sa baba katulad ng sa akin! Nakita ko yun! T-tsaka yang boses mo, panlalaki yan eh!"

"Oo nga, pero hindi nga kasi ako bak--"

"Okay lang Nathalie, okay lang naman. No need to defend your self. Wala naman akong issue pag dating sa mga bakla eh."

"Hindi nga kasi ako bak--"

"Pero Nathalie, I'm a lady's man, hindi ako pumapatol sa bak--"

"Hindi nga kasi ako bakla!" sigaw ko kasabay ng paghawak sa dalawa n'yang balikat. 

Tumingin s'ya sa kamay kong nakapatong sa balikat n'ya. "Hindi ka pa naghuhugas ng kamay," sabi n'ya.

"Hindi ka parin," sabi ko.

So pumunta muna kaming dalawa sa may gripo at naghugas ng kamay, tapos, tsaka kami nag-usap ulit.

"Nathalie, gaya nga ng sabi ko, ayos lang naman sa akin kung bading ka, wala namang kaso yun. Pero gusto ko lang linawin sa'yo, kaya kita pinopormahan nung una ay dahil akala ko babae ka. Lilinawin ko lang yung side ko dahil baka namislead kita. Nathalie, sa babae lang ako pumapatol at hindi sa bak--"

"Ugh sabi ng hindi nga ako bakla tsong! Hindi ako bakla! Ako si Night Cervantes ng Star-X, damn it!" sigaw ko. I have nothing against the third sex, don't get me wrong. It's just that I'm very cranky in the morning, that's why. And this guy is getting on my nerves.

"Weh?!"  And that's all he has to say. Ugh, this guy.

Agad kong hinubad yung suot kong wig tapos naghilamos ako ng mukha. "Ako nga sabi si Night Cervantes. Tingnan mo pa." 

Napaatras s'ya pagkakita sa totoong mukha ko. "Woah, ikaw nga yan."

"See? Sabi ko sa'y--"

"Woah! So bakla si Night Cervantes ng Star-X? T*ng *na, big news 'to."

WHAT LOVE ISWhere stories live. Discover now