CHAPTER 49- Underwater Roller Coaster Ride

321K 7.9K 4.5K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is like a roller coaster ride, it's scary in a very addictive kind of way.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 49- Underwater Roller Coaster Ride

MIKA's POV

MONDAY.

Wala na si Ni— si K sa Academy ngayon. Nabanggit n'ya sa akin kagabi na maaga daw ang alis ng Star-X sa Academy kinabukasan, kaya for sure nakaalis na s'ya ng Academy. May upcoming concerts rin pala kasi ang Star-X sa labas.

Inihabilin sa akin ni K ang pusa n'yang si Dark bago s'ya umalis. Gusto ko sanang tumanggi kasi mukhang ayaw parin talaga sa akin noong pusang 'yun, pero hindi ko na nagawang tumanggi noong makiusap sa akin si K.  Babalik naman daw s'ya sa loob ng Academy sabi n'ya, yun nga lang, di n'ya nabanggit kung kailan. Sana bumalik s'ya agad, natatakot kasi talaga ako kay Dark T__T

Anyway, kahit Lunes ngayon, wala kaming Academic classes. May special seminar kasi ang kanya-kanyang department. Kasalukuyan akong nasa seminar ng Music Department ngayon. Miss ko na nga si Hell at si Vincent e, ilang araw narin kasi kaming hindi nagkikita. Ay teka, speaking of Hell, kailangan ko na palang mag-isip ng susunod kong move para sa Operation Good Memories. Since okay na kami ni Ni—ni K, at wala na akong pinoproblema, pwede ko nang ituloy ang pagtulong kay Hell.

Hmm... ano kayang sunod kong pwedeng gawin para mabigyan s'ya ng good memories?

"Music has long been recognized for its therapeutic value. Eons ago, David was summoned to play for King Saul to help chase away his majesty's 'evil spirits.' Today, music is known for its ability to affect mood, trigger memories and foster loving associations. Certain forms of music can help you heal yours, or someone else's heart."

Nakuha ng sinabi ng speaker ang atensyon ko noong marinig ko yung "heal yours, or someone else's heart" part. Mas nakinig pa ako sa sinasabi n'ya.

"In the aftermath of World Wars I and II, particularly in the United Kingdom, musicians would travel to hospitals and play music for soldiers suffering from war-related emotional and physical trauma..." 

Nagsite pa s'ya nang marami pang mga examples, mga kaganapan noong unang panahon kung saan nakatulong nang malaki ang musika sa paggamot ng iba't-ibang klase ng sakit, mental man, pisikal o emosyonal. 

Ang dami palang nagagawa at naitutulong ng musika sa tao, ngayon ko lang napagtanto 'yon. Akala ko, for entertainment purposes lang kaya nag-eexist ang music sa mundo, mali pala ako.

"Music helps us remember too. A piece of familiar music serves as a soundtrack for a mental movie that starts playing in our heads. It calls back memories of a particular person or place, and you might all of a sudden see that person's face in your mind's eye, while listening to that familiar music." 

Parang may nagsinding ilaw sa utak ko bigla, noong marinig ko ito mula doon sa speaker. 

Naalala ko bigla 'yung performance ni Hell noong remedial exams dati, yung itsura n'yang parang may nakikitang kung ano sa harapan n'ya. Naalala ko rin 'yung sinabi n'ya sa akin, na sa tuwing itatry daw n'yang kumanta kasabay ang piano, bad, bloody memories would come surging up his mind.

"So posibleng may familiar piece of music na nagtitrigger sa bad memories n'ya, kaya ba sa tuwing kumakanta s'ya, nakikita n'ya ang mga iyon bigla sa utak n'ya?" pagkausap ko sa sarili ko. "Pero sa pagkakaalam ko... hindi lang isang partikular na kanta ang nagpapalabas ng masasamang ala-ala ni Hell, kung hindi lahat ng kantang tinatry n'yang tugtugin gamit ang piano..." Tumigil ako saglit para mag-isip. "Teka..."

WHAT LOVE ISWhere stories live. Discover now