Annie

32.2K 307 37
                                    

Siya ang pinakamagandang babaeng nakilala ko.  Noong Nobyembre lang kami nagkakilala pero naging malapit kami agad sa isa't isa dahil sa mga trip namin. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga kalokohan naming dalawa. 

BARYA

Natatawa talaga ko tuwing naggogrocery kaming dalawa. Nagfi-freak-out kasi siya tuwing nakakakita ng dyis (10 cents) at bente-singko centavo (25 cents) 

Agad siyang naghahanap ng lata ng Bantay Bata

Mabigat kasi sa wallet pag marami kang 10 & 25 cents kaya ginawa kong alkansya yung bote ng mineral water. Natawa talaga ko sa kanya last time kasi naghanap din siya ng bote para gawing lalagyan ng mga barya. Adik lang ;) 

ESCALATOR

Gumagala kaming dalawa sa Alimall (Ayiiieee DATE), natawa na lang kami sa sarili namin kasi pababa kami pero nasa harapan kami ng escalator na pataas. Munggago lang hehe

Buti na lang walang ganung tao :)

PUSTAHAN

Bored to death kami sa "condo" kaya lumabas kami at tumambay sa tapat ng SM Cubao. Pasado alas-tres yun ng madaling araw. Tamang kwentuhan lang. May manhole sa tapat ng inuupan namin. Mga limang metro ata yung layo, pati nga distansya ng manhole na 'yun pinagdebatehan namin.

Nakipagpustahan siya sakin, ililibre ko raw siya ng halu-halo sa Razon pag nashoot niya sa butas yung yosi. Tiwala kasi akong di niya mashu-shoot kaya pumayag ako. Tangna lang! Nashoot niya!!! Waaaaaaaaahhh!!!!! Ayun, nilibre ko siya ng halu-halo sa Razon.

KOBOI

Nasa Greenhills Shoping Center kami kahapon. Pumunta kaming Shopsville para puntahan yung shop ng crush niyang si Rico Blanco. Buti na lang wala yung crush niya pagpunta namin sa Koboi, kakaselos kaya hehe. Natripan niya yung brown na cap na Koboi. Sinukat. Bagay na bagay sa kanya. Kahit ata anong sumbrero babagay sa kanya. Annie my love, wag lalaki ulo pag nabasa 'to ah hehe. Love you. Alam mo na mamaya >:) hehe 




Tagay Tayo!Where stories live. Discover now