Charity Work

9.1K 191 73
                                    

Doing charity work is always cool. It's always a good thing. 
Lee DeWyze

Fourth year high school ako nang una kong maging bahagi ng isang charity work. Masaya at ang cool talaga. Mas cool pa sa kayabangan, este kapogian ko hahaha

Noong college, gusto ko talagang sumali sa isang sikat na fraternity. Gusto ko rin kasing tumakbo ng nakahubad. Biro lang. Iba kasi ang viewpoint ko sa fraternity. Hindi lang ito basta kapatiran. Layunin din ng frat ang tumulong sa mga nangangailangan. Sa isang banda, pwede ka namang tumulong sa iba kahit di ka miyembro ng kahit anong organisasyon.

Naalala ko, pauwi ako sa isang bahay namin sa Caloocan dala ang Alpha Phi Omega bag na ibinigay sakin. Ang sama ng tingin sakin ng isang lalaki habang nasa jeep. Naiinsecure lang siguro siya sa kapogian ko hahaha

Naging miyembro ako ng PokeFam nitong Agosto. Noong Sept. 6, nalaman ko mula kay Duskull (YowenFate) na may misyon ang PokeFam sa December. Kanila Arcanine (derl028), YowenFate, Gothita (StarsAndSkittles) at  Snorlax/Bree nagmula ang ideyang iyon.

Ito ang misyon namin: 

"Ang Pokemon family (Wattpad community) po ay magkakaroon ng isang misyon sa buwan ng December. Sa bayan ng Cavite ay mag-sasagawa po kami ng "CHARITY WORK" sa isang bahay ampunan sa nasabing lugar. Kung sino po ang nais at interesadong tumulong o sumama ay mag-iwan lamang po ng komento. Maaring tumulong sa pamamagitan ng pag-sama upang mag-bigay ng saya sa mga bata, mag-donate ng damit, lumang gamit o laruan. maari rin naman pera para pandagdag namin sa lulutuin naming pag-kain at papremyo sa mga palaro. Ito po ay taunan na naming gagawin sa mag-kakaibang lugar. Ngunit sa cavite lamang mag-sisimula. Aasahan namin ang tulong ninyong mga manunulat at mambabasa. Maraming salamat po!

Bukod sa "Charity Work" ay mag-sasagawa rin kami ng "COMMUNITY SERVICE" sa isang Squatters Area malapit sa dalampasigan na kalapit lamang ng bahay ampunan na aming pag-lilingkuran sa bayan ng Cavite. Maari rin po kayong tumulong sa pamamagitan ng pag-sama sa pag-lilinis upang mapaganda natin ang nasabing lugar at makatulong tayo sa pag-babawas ng polusyon sa ating inang kalikasan. Maari rin po kayong mag-donate ng pang-linis gaya ng pandakot, walis at iba pang materyal na pwedeng gamitin. maari rin namang pera para rin pandagdag namin sa mga ibibigay naming Food Supplies sa mga mamamayan natin sa nasabing lugar." 

Reference: Fb ni Yowen 

Sasama ko at maliban sa pagdodonate, mag-i-story telling din ako para sumaya ang mga bata.

Tagay Tayo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon