Sa library

63.7K 555 101
                                    

First year high school ako nang mangyari 'to. Nasa library ako, nag-aaral. Ngayong college lang naman ako natutong matulog sa library eh haha

May assignment kasi kami sa isa naming subject. Kasama ko noon si Claud sa table. Pumunta lang ako dun sa librarian para manghiram ng libro. Pagbalik ko, umupo na ko sa tabi niya, nakipag-usap habang binubuklat yung librong hawak niya. Ang weird lang kasi di siya sumasagot. Tumingin ako sa mukha niya. Tangna! Iba pala! Agad akong tumayo at lumabas ng library. Di ako makatingin sa mukha niya pero base sa aking peripheral vision, nagtataka yung mga mata niya. Magkapareho kasi sila ng ayos ng buhok, katawan at kulay ng balat ni Claud. Syet! Nakakahiya! Hahaha!

Tagay Tayo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon