Tunay na Pogi

9.3K 292 114
                                    

Kung kamukha ko man si Empoy, okay lang. Pareho naman kaming pogi! Hahaha!

Sabi ni Ramon Bautista, daig ng malandi ang maganda. Sabi ko naman, daig ng maharot ang pogi. 

May sarili akong depinisyon sa salitang "pogi." Para sakin, ang tunay na pogi ay pogi din ang ugali. Kakain ka ba ng mapang-akit na mansanas kung bulok naman pala ang loob? May mga lalaking di kagwapuhan pero habang tumatagal, pumopogi sila. Yung tipong di mo mapapansin sa unang tingin pero pag nakilala mo, mamahalin mo.

Para sa akin, ang tunay na pogi ay macho. Hindi iyong macho na malaki ang katawan at may abs kundi iyong macho sa kaparaanang ipagtatanggol ka at marunong rumespeto. Iyong hindi ginagamit ang katawan para magbilang ng mga babaeng ikakama. Sabi nga ni Papang Tino sa "Ang Dalawang Mrs. Real," an educated man would never insult a woman ot talk thrash to a woman. 

Para sa akin, ang tunay na pogi ay astig. Astig hindi lang dahil nagbabanda, rock at metal ang tugtugan, at may tatoo. Astig dahil may prinsipyo sa buhay.  Bakit ka ba nagbabasa? Para sakin, ito ay isang paraan para maaliw at makadama ng iba't ibang emosyon. Bilang isang writer, ginagamit ko ang aking puso at mapaglarong isipan para magsulat. Hindi ko kailangan ng maraming followers. Nagsusulat ako dahil iyon ang nagpapasaya sakin. May prinsipyo ako sa pagsusulat at sa buhay, at hindi ko ipagpapalit ang mga prinsipyo ko.

Pindutin mo lang ang "follow" sa profile ko kung hinahangaan mo talaga ko bilang isang manunilat, hindi dahil sa pogi at astig ako. Di mo obligasyong basahin at iboto ang mga gawa ko. Choice mo 'yan. 

Gusto ko sanang manatiling lihim ang pagkatao ko -- isang manunulat na di alam ng mga mambabasa kung anong mukha mayroon siya. Marami akong lihim. Sa isang banda, ayokong maging tulad ng password ang kapogian ko na ako lang ang nakakaalam kaya nakikipagkita ako sa mga taong nagpapasaya sakin.. sa mga tunay na tropa ko. 

At kung nagsisinungaling man ako, tungkol lang iyon sa sarili ko. Hindi ako nananakit at nagsasalita ng masakit sa kapwa ko. 

Tagay tayo mga tunay na pogi! :)

Tagay Tayo!Where stories live. Discover now