Ano po 'yun?

20.1K 269 119
                                    

"Ano po 'yun?"

tanong ni kuyang bantay sakin habang bitbit-bitbit ko ang mga damit na papalabhan ko.

Magpapalaba malamang. Laundry shop 'to di ba???

"Magpapalaba po," sabi ko na lang.

At dahil nakakaloko ang tanong ni kuya, kumain na lang kami ni Enzo sa kanto.

Di talaga ko kumakain sa tabi-tabi o yung mga ihaw-ihaw. Second year college na ko nang makakain ako ng ganun. Taga-FEU kasi yung ex ko at nag-aya siyang kumain ng kwek-kwek sa hepalane. Tatlong buwan matapos kaming maghiwalay, may syota na ulit siya. Gusto niya siguro ng syota na lagi nyang makakasamang kumain ng kwek kwek
#diakobitter #mahiligsaitlogsiex

Bumili si Enzo ng mami at bumili naman ako ng hotdog, dugo at isaw. Wag niyo nang itanong kung ilang piraso binili ko, basta, pam-PG hehehe

"Wala ba silang tissue?" tanong ko kay Enzo. Nalagyan kasi ng suka yung kamay ko. Ang arte ko pala syet.. tang-ina hahaha

"Wala," sagot niya. 

Pinunas ko yung kamay ko sa damit na suot niya. Kahapon pa naman siya di naliligo.

Habang naglalakad pabalik sa apartment, nakasalubong namin yung kapitbahay naming babae (high school pa lang yun).

"Hi po!" sabi nya nang magkasalubong kami. Crush ata ako nun eh
#kapalmuks

"Eeeoooowwws pfhhhooowwwss," panggagaya ni Enzo (with Jejemon accent) nang makalagpas na kami sa kanya.

Napag-usapan din namin ang alak. May nakita kasi akong Chivas Regal at Hennessy nang bumisita ko kina Lola. Gusto kong nenokin hehe

PS: Naligo na pala si Enzo kanina at naka-Marvel Avengers na boxer siya! Hahaha! :))) 

Tagay Tayo!Where stories live. Discover now