Mga Batang Yagit

14.9K 262 151
                                    

Sa jeep galing Eastwood...

Kung may chicks, meron ding medyo chicks. At syempre, meron ding onting chicks.

Pagkasakay ko ng jeep pauwi, napatingin ako kay onting chicks. Naka-sleeveless siya na kulay peach. Maya-maya, itinali nya ang kanyang lagpas-balikat na buhok. Pakingsyet! Napamura talaga ko sa isipan ko nang makita ko yung buhok sa kilikili nya! Tang-ina! Beki pala! Kaya pala malaki ang braso niya  
-_-

Pagdating sa Rosario (Pasig), nagbabaan yung ilang pasahero. Tatlo na lang kaming natira sa jeep. Tapos may apat na batang yagit na sumakay - tatlong lalaki at isang babae. Di naman sila nanlimos. Di rin sila namigay ng sobre. Di rin sila kumanta o sumayaw. At di rin sila nagpunas ng mga sapatos gamit ang maduming basahan. Di ko alam kung anong trip nila. Basta gusto nila ng libreng sakay kasi di sila nagbayad ng pamasahe. At trip din nilang umepal.

Maluwag yung sasakyan pero tangna, tumabi sakin yung batang yagit na babae. Ang masaklap pa, dumikit siya sakin. Magkadikit talaga kami. Mga batang yagit talaga - madungis, di naligo, di nagsuklay, madumi yung kuko. Ang pinakanakaka-eeeww.. ngumunguya sila ng bubble gum tapos hahawakan nila, paglalaruan tapos isusubo ulit. Kadiri syetness overload!

Automatic na nagturn-on yung pagiging suplado ko. Paksyet kasi, mamaya may modus 'tong mga yagit na 'to.

"Pwede bang umusog ka??! Maluwag naman dun eh," sabi ko kadikit kong yagit na bata.

Sa isang banda, naaawa talaga ko sa mga batang yagit na 'yun. Naiinis ako sa mga magulang nila, pero nag-iingat lang ako. Baka kasi dukutan ako ng katabi kong yagit. Puno pa naman ng pera yung wallet ko - puro barya, tigbebente-singko! Wahahaha! Pero seryoso, di ko kasi alam kung anong takbo ng isip ng mga yagit na 'yun. Ingat ingat din pag may time.

Maya-maya, may pumarang isang manong. Dun siya umupo sa tabi ko pero di naman ako nabadtrip kasi ilang sentimetro layo niya sakin.

Tapos..

Biglang bumaho.

"Ang babaho ng mga batang 'to!!!" sabi ni Manong. Badtrip talaga siya at di na maipinta yung pagmumukha niya. Mas badtrip pa sakin. Okay lang sana kung pogi siya, kaso hindi eh hahahahard

Napatingin ako sa braso niya. Syet!!! Puro libag!!!

Pagkalipas ng ilang minuto, bumaba na si Manong.. at nawala na rin ang nakasusulasok na amoy :)

Tagay Tayo!Where stories live. Discover now