Tawag

34.5K 310 29
                                    

Ginagawa ko yung draft ng part 2 ng ika-apat kong nobela nang tumawag yung isa kong Wattpad friend. Nagsasoundtrip si GL (kapatid ko) gamit yung  phone ko kaya siya na yung pinapindot ko. Ang engot niya lang kasi yung 'reject' yung pinindot niya. Wala namang washing machine yung phone ko para di niya malaman yung dapat pindutin, 3310 kasi hehe joke lang :D

Kinuwento sakin nitong Wattpad friend ko na binasa na niya yung "Pahiram ng Gabi sa Iyong Tagiliran". Nandun kasi yung kanta ng Jeans na nirevive ni Jericho Rosales, yung "Ngayong Gabi". Dahil mabait ako, pinakanta ko yun kay GL. Sayang lang kasi nasa hiraman yung mga gitara namin kaya acapella lang. Feel na feel naman ni GL yung pagkanta, wala nga sa tono yung refrain eh. Okay na sana kaso pumiyok siya :) haha

Inagaw sakin ni GL yung earphone matapos niyang kumanta para daw may 'privacy' sila. Hotel? Hehe

Natawa lang talaga ko kasi yung gm nitong Wattpad friend ko, laging nandun si GL. Na-inlab sa boses. Sana boses na lang siya wahahaha Mabait talaga kong kapatid, kinakantahan ko pa nga sila habang silang dalawa lang yung nag-uusap eh. Ako yung background music. Ang kinanta ko, yung "Ikaw pa rin" ng Letterday Story. Walang kinalaman yung lyrics ng kanta, trip ko lang talaga.

Mas pogi (Unang una talaga 'yan hehe), mas matalino at mas magaling naman akong kumanta kay GL. Mas magaling lang siyang magdrawing at tumugtog, pero mas pogi talaga ko hahaha ;)

Tagay Tayo!Where stories live. Discover now