Lasing lasingan

29K 271 39
                                    

Dahil trip ni Enzo uminom, pumunta kaming grocery para bumili ng alak at pulutan. At dahil "nagbabagong buhay" na ko, ROOT BEER lang ang sakin. Oh di ba, at least may beer pa rin. Nang umiinom na kami, di kami nagpapansinan... tulala lang. Para lang kaming lasing. Ako, lasing lasingan wahahaha :D

***

At dahil usapang lasing 'to, para lang kaming may amats nung bagyo (Maring). Sa Pasig kasi kami nakatira, likod ng Cainta kaya binaha kami. Pero kahit na umulan at bumaha, pogi pa rin naman ako. Nung hanggang tuhod na yung baha, nagdesisyon na kaming ilipat yung mga gamit namin sa 2nd floor ng kapitbahay (yung may-ari ng nirerentahan namin). Nilipat naman na namin yung mga gamit sa taas ng double deck pero di mo rin kasi masabi yung panahon, baka mas tumaas pa yung baha kaya ayun. Lipat lipat din ng gamit pag may time. 50 steps yung layo nun tapos aakyat pa ng hagdan. At habang naglilipat kami, nagpicture picture pa kami sa baha hehe. I-uupload ko kasi sa Facebook yung pictures namin, patunay na pogi ako.

Tagay Tayo!Where stories live. Discover now