Condom

83.1K 664 226
                                    

Dahil long weekend, nag-uwian lahat ng kasama ko sa apartment. Bago umalis si Carl, iniwan niya sakin lahat ng susi niya. Dalawang set lang kasi yung mga susi namin at lima kami sa apartment. Dahil ako yung huling aalis, ako yung magla-lock. Apat lang naman yung kandado sa pinto. 

Bago siya umalis, binilinan niya ko:

"Mel, ito na yung susi, nandyan din yung susi ko sa cabinet."

"Kunin mo na."

"Dyan mo na. Basta kung kailangan mo ng condom, kuha ka na lang."

Natawa lang ako at napa-iling. Buti na lang, hindi naririnig yung iniisip natin, kasi kung ganun, malamang, nabatukan niya na ko. Ito kasi yung nasa isip ko:

Meron ako no. Tatlo pa. Nasa wallet ko. PAMPASWERTE. 

Binigay lang yun sakin ng mga tropa ko. Pampaswerte nga di ba. Dalawa yung binigay ni *tooot* tapos yung Benetton, galing naman kay *tooot*

- - -

Kasama sa freebies yung Frenzy condom pag PULP. Hindi naman ako gumagamit nun eh (Maniwala ka) kaya pinalobo ko na lang. Pag may nakikita kong bouncer, tinatago ko, baka mapalabas ako sa stadium. Hahaha!

- - - 

Last year, tumugtog yung Spongecola sa school. Tamang trip yung isa kong tropa. Itago na lang natin siya sa pangalang 'Doorbell'. Dingdong kasi pangalan niya (Tinago ko pa). Nagpalobo ba naman ng condom. Ang weird nga ng condom niya eh. Wala ng lagkit. Gamit na siguro. Hahaha! Sinita ko siya at sinabing baka makita siya ng discipline officer. Syempre, concern ako sa kanya, tropa eh. Pero di siya nakinig sakin. Buti na lang pumutok agad yung lobo niya bago pa umabot sa stage. 

 Aral:

Dapat marunong kang lumugar.

Halimbawa: Wag magpapalobo ng condom sa school, sa gig pwede. Joke lang. Sa bahay na lang pagkatapos ng gig hahaha

Tagay Tayo!Where stories live. Discover now