Ako bilang tropa

10K 255 107
                                    

Totoo akong tropa. Ako yung tipo ng kaibigan na kayang sumalo ng bala para sayo. Basta bala lang ng pellet gun. Oi masakit din yun ah! Sasamahan na lang kitang tumagay! 

Nagmumura ako pero expression lang. Ang cute ko kayang magmura - Syet! Paksyet! Tangna mo! Hahaha! Sa twenTEEN-two taon ko sa Earth, wala pa kong minura dahil sa galit. Wala pa kong nasapak o naupakan. May nakasamaan ako ng loob pero ilang oras lang, bati na kami. Dapat kasi dinadaan sa matinong usapan. Marunong kasi akong magsorry lalo na pag kasalanan ko. Di naman ako perpekto. Nagkakamali din ako at marami akong nagawang kamalian nitong mga nagdaang taon. Pero di pa ko nakapatay ah.

Nagagalit din ako. Di ko itatanggi 'yun. Hangga't maaari, ayokong nagagalit kasi masama kong magalit. Pero hangga't kaya ko, kinokontrol ko yung sarili ko. Gusto kong gumanti. Gusto ko patas. Superheroes nga nasasaktan, ako pa kaya, tao lang naman ako. Pero mukha kong superhero :)

Alam mo ba yung ibig sabihin ng SIGURO? Alam mo ba yung pakiramdam na akala mo masaya ka, hindi naman pala? Yung nililinlang ka ng sarili mong emosyon? Yung naging mababaw ka na lang kasi gusto mong maging masaya.

Nagsisinungaling ako. May iba kong prinsipyo sa buhay. Gusto ko yung tinatanggap ako ng mga tao dahil sa ugali ko, hindi dahil sa kung sino at kung anong meron ako. Gusto kong manatiling lihim para sa karamihan, yung walang nakakaalam ng tunay kong pagkatao at pangalan. Hindi naman ako natatakot na malaman ng Wattpad yung tunay kong pagkatao. Magpapakilala din ako sa tamang panahon.

May kasalanan din naman ako at aminado ako. Sumakay kasi ako sa trip niya, sa bubong naman pala ko nakakapit. Nalaglag tuloy ako at nagpagulong-gulong sa kalsada (parang action star lang). Pero sa pagkakalaglag ko, ang dami kong nalaman. 

PS: Mananahimik na ko. Di na kita papatulan bro kasi may pinag-aralan ako.. iyong aral na di lang natututunan sa apat na sulok ng silid aralan kundi pati sa labas ng paaralan. 

Tagay Tayo!Where stories live. Discover now