WALEY

12.7K 243 121
                                    

Sa SM Cubao kami nagkita ni Emmie/Purple Ranger bago pumunta kanila Yowen para tumagay. Nag-DQ muna kami sandali. Habang kumakain ng blizzard, nagjoke ako kay Ems. Muntik niya na nga kong mahampas eh. Muntik lang. Hahaha!

Adik: Papayag ka bang magpakasal sakin?

GRO: Ok lang ba sayo na may past ako?

Adik: Ok lang. Wala naman akong future eh.

Wahahahahaha! Waley!

Tawa lang kami ng tawa ni Ems habang nasa byahe papuntang Novaliches. Sa tapat ng Novamall kami sinundo ni Pareng Yowen. Sa harapan pala ng mall, SOGO yung nasa tapat eh! Hahaha! Doon din namin hinintay si Ann/Sky Blue Ranger.

Sabog na sabog. Sabog forever! 

WALEY yung jokes ko. Mas nalasing pa kami sa kakornihan ko kaysa sa alak.

Conference Part 2. Ininggit, este, tinawagan din namin ang kapwa rangers namin na sina Orange, White, at pati ang makisig kong brad na si Bee. Di namin nakausap yung iba kasi tulog na at yung iba naman, cannot be reached. 

At dahil pogi ako to infinity and beyond, sasampolan ko kayo ng jokes ko :)

Hindi taxi, hindi bus, hindi LRT
Egypt! 

Nasa gitna ako ng expressway
Norway!

Anne Curtis, ang kampanerang 
Cuba!

Hindi mag-MU, hindi magjowa
France lang!

78, 79 Haiti! 

Hindi si Maja, hindi si Philip
El Salvador!

Ok ka lang ba?
Iceland! 

Waley na waley! 

Tagay! 

Tagay Tayo!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora